Parker West POV Tumigil ang sasakyan ko sa gilid ng park at bumaba na upang pumunta sa dating lagi naming pinagtatagpuan ng pinsan ko, medyo malayo 'yon kaya nag lakad na lang ako. Habang nag lalakad ako hindi ko napansin ang babaing nabangga ko, bumagsak 'to dahil sa lakas ata ng pagkakabangga ko. “I'm sorry Miss, hindi kita nakita," sabi ko sa kanya at inalalayan ito patayo hindi ko pa nakita ang mukha niya pero naka white dress siya kaya litaw na litaw ang kaputian at mahaba rin ang buhuk niya. “Okay lang," natigilan ako sa kanyang boses d*mn napaka lumanay ng kanyang boses unti-unti niyang hinawi ang buhok niyang nakaharang sa kanyang mukha kaya nasilayan ko ito. Mas lalo akong natulala subrang ganda niya at napaka amo ng kanyang mukha, hindi ko alam kung bakit nakaramdam agad ako

