Emory Ace POV Pumasok na ako sa banyo at nag toothbrush bago maghilamos pagkatapos ay kinuha ko ang maliit na towel na nakasabit sa gilid ng salamin at pinunasan ang aking mukha bago ito ibinalik. Paglabas ko ng pintuan ng banyo ay wala akong naabutan na Vladimir kaya lumabas na rin ako at naglakad sa corridor ng mansyon na 'to bago ako maka abot sa hagdanan. napansin kung subrang tahimik ng bahay at wala rin akong nakita ni anino ni Bella. napailing na lang ako. Nang maka baba ako sa hagdan ay nag lakad ako papunta sa kusina dahil mukhang nandu'n sila ng nasa malapit na ako sa kusina sa gilid ay narinig kong unti-unting bumukas ang main door kaya magtaka akong lumingon. Nakita ko si Bella na dahan-dahan niyang binubuksan ang pintuan ng may pag iingat hindi niya ako makita dahil nasa b

