Ash Kelly POV Kinabukasan nag handa na ako para pumunta sa bahay ni Moon to ask him if I can date him for the last moment. Pagbaba ko sa hagdan nakita ko si Nash na naka handa na rin kailangan ko siyang isama pati narin si Lynsel para maymag bantay sa isang 'yan. Naglakad ako palapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. “Tara na pupuntahan pa natin ang ate Lynsel mo,” Sabi ko at hinatak na siya palabas ng bahay. Pag labas namin ng bahay ay agad kaming dumeritso sa sasakyan ko. Binuksan ko Passenger seat sa likod para du'n ko paupuin si Nash. Pag katapos ay pumasok na ako sa driver sit at pina-andar na ang sasakyan. Kailangan ko pang sunduin si Lynsel sa bahay nila. Dahil alam kong napagalitan 'yun ni tita kahapon. “Ate saan ba tayo pupunta?” Biglang tanong ni Nash sa likod kaya

