Sa looban ng school room ni Caroline,
napalingon siya sa gilid niya na malapit sa bintana.
Nakita niya na nag lalaro ng soccer si Sean.
Ang galing ni Sean. Machong- macho sa kasuotan niya na white shirt and white short ba may slant at malapad na guhit sa dibdib na dark blue .
Wala pa ring nag bago, gwapo at mistiso pa rin ito.
Nag time out sila Sean nang may biglang may humalik dito na babae.
Nagulat si Sean at napatingin sa itaas,
sa may bintana at nakita niya si Caroline na nakatingin sa kanila.
Biglang inalis ni Caroline ang tingin kay Sean at sa kahalikan nito.
Pulang-pula na tumingin sa harapan ng black board si Caroline na kinagulat naman niya dahil timing naman na tinanong siya ng prof. nila.
" Is there anything wrong Ms. Delos Santos?" wika pa ng prof. nila.
Umiling lang siya, pero mapula ng konti na lang ang mukha niya.
Napahamak tuloy ako. Sino kaya yung Girl na yun na humalik kay Sean? Buti hindi ako nakita.
Nakinig na sa lesson si Caroline hanggang sa matapos ito.
Sa Field naman ng soccer....
" Hey stop it! Nakakahiya daming tao dito oh." Inilayo nito ang babae sa kanya hawak sa magkabilang balikat.
" Why naman. There's nothing wrong about kissing you here. I'm your girlfriend." Explain pa ng girl Kay Sean.
" I thought we are through na? B't ngayon tayo na ulit?" Takang sagot naman ni Sean.
" Still, I'm not over you yet." Lambing naman ng girl dito.
" Ewan ko sayo. I need space. Sige na, mag-lalaro muna ako ng soccer." Sabi ni Sean, sabay iwan dito.
Walang nagawa ang babae kundi inis na umalis sa field.
Napatingin ulit si Sean sa itaas ng building sa may bintana.
Wala na doon si Caroline.
" Pre, what's wrong? Mukhang wala sa laro ang focus ng isipan mo. Is there anything wrong?" His best friend Stephen asked him.
" Wala lang Pre. Medyo naguluhan lang ako kay Penelope. Bigla na lang kasi nanghahalik sa harapan ng maraming tao. Akala ko kasi break na kami dati pa. I just wondering what she up to." His eyes had a little pain while he said.
" Relax lang Pre, kaya mo 'yan. You can get over her. Mawawala din 'yang feelings mo sa kanya. 'Yun nga lang kung payag si Penelope sa desisyon mong kalimutan na siya." Paliwanag ni Stephen sa kanya na nag-uumpisa nang mag-sipa-sipa ng bola ng soccer at pinasa kay Sean ang bola.
"Bahala na nga." Kibit balikat na lang ni Sean sa pangyayari kanina.
Nag focus na ito sa pag lalaro ng soccer kasama ni Stephen.
Lalo pa nito ginalingan ang pag-lalaro.
Samantala, si Caroline naman ay dumaan sa gilid ng building upang hindi siya makita ni Sean at ng girl na humalik dito sa field.
"Hey, Lyn! Lyn! Wait!" Si Sean, nakita siya na dumaan.
Nilapitan ni Sean si Caroline.
Gosh, nakita ako. Akala ko hindi ako makikita.
Binago ko na nga ang way ko, nakita pa din ako.
"Oh! Hi Sean! Your here sa field. Player ka pala ng soccer." Nilingon ni Caroline si Sean at winika niya dito.
"Yeah! Player ako nang soccer ng school natin." Ngiting na sabi ni Sean kay Caroline.
"So, how are you? Naging busy ako this past few days. Laban sa soccer ng school at sa student council. Hindi na tuloy ang group date natin. Sayang." Napahawak sa batok si Sean, nahihiya ito kay Caroline.
" Wala 'yun. Busy din ako, daming school project. Hopefully ma-ipasa ko ito on time." Ngiti namang sagot ni Caroline.
" Hi, Sean! Dear sino siya?"Tanong ng girl na humalik kay Sean kanina. Sabay angkla sa braso ni Sean,na nakapamaywang ang kamay sa baywang ang isa naman ay nakahawak pa din sa may batok niya.
Pulang-pula naman ang mukha ni Sean.
Samantalang si Caroline naman ay namu-mutla ang mukha.
" Oh Penelope! I would like you to meet Caroline Delos Santos. Caroline meet Penelope Khate Yuzon." Nasabi na lang ni Sean sa kanila.
" Hello there Caroline. Nice to meet you. By the way, ako nga pala ang Girlfriend ni Sean. How are you?" Engleserang sabi ni Penelope. She had doubt about Caroline, but she just a little bit ignore it.
"Nice to meet you too Ms. Penelope. " Tipid na sagot ni Caroline sa girlfriend ni Sean.
Walang nagawa si Sean kundi ayain na lang si Penelope na mag punta sa canteen.
Inaya din ni Sean si Caroline, ngunit tumanggi ito at nag dahilan na may pasok pa siya sa isa pa niyang subject.
" Sean, tell me, who is she? You must explain to me everything." Inis na sabi ni Penelope kay Sean.
" Why should I need to explain to you everything? And besides 'di ba pinakilala na kita sa kanya at siya sayo? Ano pa ba ang kailangan mong malaman?" Pag lalahad ni Sean kay Penelope with pain in his eyes.
"Ikaw nga dito ang hindi nag paalam at nag pakilala sa akin sa mga lalaking sinasamahan mo. " sabi nito sa girl na nakahawak sa may braso nito.
" Teka Sean nasasaktan ako. You know naman ang nature ng part -time work ko. I'm a celebrity kaya maraming nakakahalubilo." Paliwanag ni Penelope kay Sean.
"Let's go, I'll take you home. Or doon tayo mag-usap sa flat mo. Mabuti doon walang tao, kahit mag kasigawan tayo, walang makakarinig. " Paliwanag ni Sean dito.
" Okay..." Walang nagawa si Penelope kundi sumama kay Sean. Sumakay sila sa sports car ni Sean at with high speed na pinaandar ito.