Nagkukumahog si Lyn sa paglakad-takbo sa mahabang hallway ng paaralan. Pawis na pawis siya, dala ang backpack na parang mas mabigat pa yata ngayon kaysa kahapon. Ang sapatos niya ay halos dumulas sa tiles ng corridor sa sobrang pagmamadali.
"Naku, naku, naku! First subject ko pa naman ‘to! Sana hindi pa nagsisimula si Sir." bulong niya sa sarili habang mabilis na umiiwas sa mga estudyanteng unti-unti na ring pumapasok sa kani-kanilang mga silid-aralan.
Paglapit niya sa pinto ng kanilang classroom, narinig na niya ang boses ng kanilang guro.
"Class, get ready your paper and ballpen for a short quiz," ani ng kanilang propesor na kilala sa pagiging istrikto at walang palya sa pagpapa-quiz.
"OMG, OMG… nakaabot pa ako. Sana hindi ako mapansin…" napakagat-labi si Lyn habang dahan-dahang pumapasok, pilit nagpapakababa ng presensya.
Pero biglang--
"Ms. Caroline Delos Santos! What brought you here?!" malakas na sigaw ni Sir habang nakatitig sa kanya, ang mga kilay ay halos magdugtong sa inis. "I thought you’re not gonna make it entering to the main school gate. Pasalamat ka’t mag-uumpisa pa lang ang quizzes natin."
Hindi na nakasagot si Lyn. Nakangiti siyang nahihiya habang naglakad papunta sa kanyang upuan. Parang gusto na lang niyang lamunin ng lupa sa mga sandaling iyon.
"Now have a seat and prepare your paper and ballpen," dugtong ni Sir habang nilalapag ang isang makapal na envelope sa mesa.
"These are the questionnaires that you need to answer. I will give it to you. Answer them at the right time. I will collect them all after. Here..."
Inabot ng guro ang stack ng papel. Kanya-kanyang kuha ang mga estudyante, pinapasa ang natitira sa kanilang mga katabi. Si Lyn, bagama’t kabado pa rin, ay kinuha ang papel at huminga nang malalim.
“Okay, kaya ko ‘to. Focus lang. First quiz pa lang ‘to ng semester, ayokong bumagsak agad,” bulong niya sa sarili habang sinisimulang sagutan ang mga tanong.
Tahimik ang buong silid. Tanging ang tunog ng ballpen sa papel at mahihinang pag-ubo ang maririnig. Halos maramdaman ni Lyn ang pagtibok ng kanyang puso habang sinusulat ang bawat sagot. Seryoso siyang nakatutok sa papel, nagmamadali ngunit nag-iingat.
Kriiiiingggg!!!
Tunog ng bell ang sumagitsit sa katahimikan.
"Ooookay Class, pass your paper now!" utos ni Sir, habang kinokolekta ang mga sagot isa-isa.
Nakahinga ng maluwag si Lyn. "Wew! Nakaraos din."
Isa-isa nang lumabas ang mga estudyante mula sa silid. Napalingon si Lyn sa pader, sabay hinga ng malalim.
"This is my first subject, and it was Accounting subject." bulong niya sa sarili. "Wew! This is a bad record to me. Next day, I need to go to school early. Pero ngayon, it's better to be late than never. Hahahahhaha… wew!" napapailing na tawa na lang niya habang palabas sa classroom.
Pagdating niya sa hallway, biglang may narinig siyang hingal na tinig mula sa likod.
"Lyn! Girl, wait for me! Sabay na tayo sa next subject natin!"
Paglingon niya, si Riz iyon--hingal kabayo, bitbit ang bag at mukhang kakatapos lang ding tumakbo.
"Riz, Girl, andiyan ka pala! Oh sure, no problem! Ano ba second subject mo?" tanong ni Lyn habang patuloy ang lakad.
"History. May libro ka?" tanong ni Riz habang tinatanggal ang ilang butil ng pawis sa noo.
"Tingin ko pwede naman nating basahin 'yan sa laptop. Kung allowed tayo," sagot ni Lyn habang inaabot ang water bottle sa loob ng bag niya.
"Dala mo ba laptop mo?"
"Oo, dala ko. Basta, tara na!"
Sabay silang naglakad sa hallway, lumiko sa kanan at sinimulang akyatin ang hagdanan paakyat sa third floor ng National Literature Department Building. Habang umaakyat, nagkukwentuhan pa sila tungkol sa nakaraang subject at sa mga hula nila kung anong klaseng prof ang haharap sa kanila ngayon.
Pagdating sa third floor, agad nilang nakita ang room na nakabukas. Pumasok sila, at halos wala pa masyadong tao sa loob. May ilan na sa mga upuan, nagbabasa o nakikipagkwentuhan.
"Wala pa si Ma'am. Buti na lang," bulong ni Riz habang pumwesto sa isang upuan malapit sa bintana.
"Sana chill lang ang teacher natin ngayon. Ayoko na ng isang quiz pa, baka maiyak na ako," sabay tawa ni Lyn habang inilalabas ang laptop at notebook mula sa bag.
Nagpalitan sila ng tingin ni Riz. Pareho silang pagod, parehong inaantok, pero parehong handa sa isa na namang hamon ng isang tipikal na araw sa eskwela.
Habang nakaupo na sa loob ng classroom sa third floor ng National Literature Department Building, tahimik ang mga estudyante at sabik na naghihintay sa pagdating ng kanilang propesor sa History. Umaalingawngaw ang mga kaluskos at isa-isang tinatanong sa sarili kung kailan nga ba magsisimula ang klase. May ilan na nagbubukas na ng kanilang laptop, may ilan naman ang hawak pa rin ang kanilang mga libro. Naramdaman ni Lyn ang kakaunting kaba--hindi lamang dahil sa maagang pagdating niya kanina, kundi pati na rin sa pagtatangka niyang makabawi sa kaniyang reputation bilang tamang-tamang oras.
Lumapit kay Riz na nakaupo sa tabi ng bintana at sabay nilang binuksan ang kani-kanilang laptop.
“Girl, di ba sabi ni Ma’am na baka may biglaang quiz o pop quiz sa ating History?” ani Riz habang tinatawanan ang sarili sa kaba.
“Oo, alam ko. Kaya nga basta, kapag nasa speed mode tayo, kahit sa laptop, sundin na agad natin ang aralin,” sagot ni Lyn, pilit pinakakalma ang sarili. Habang papalitan ang kanilang mga ideya tungkol sa takdang aralin, naramdaman nila na tila mas binibigyan ng pagkakataon ang oras--kahit na dumarating pa lamang ang kanilang propesor.
Makalipas ang ilang minutong paghihintay, narinig ng buong klase ang pagyapak ng mga paa sa labas ng pinto. Isang mahigpit at mahinang tinig ang umalingawngaw:
“Good morning, class! Pasensya na sa aking kaunting pagkahuli. Magandang umaga sa inyong lahat at maghanda na tayo sa ating diskusyon tungkol sa kasaysayan ng ating bansa.”
Agad na nagbukas ang kanilang mga laptop at inabangan ng lahat ang unang slide ni Ma’am Elena--ang kanilang propesor sa History--na tumatalakay sa mga pangunahing pangyayari sa kolonyal na kasaysayan.
Habang naglalakad na pabalik sa kanilang mga upuan, napansin ni Lyn kung paano nagbabago ang atmosphere ng silid, mula sa tensyon patungo sa unti-unting pag-relax ng kanyang mga kaklase habang naaaliw na rin sa mga kwento ni Ma’am Elena tungkol sa iba't ibang pangyayari sa kasaysayan. Naisip niya na kahit gaano man kahirap at kabigat ang umagang iyon--mula sa bilis ng pagkilos sa hallway at jeepney hanggang sa paghabol niya sa kanyang klase--lahat ng iyon ay nagiging makabuluhan sa huli.
Sa pamamagitan ng maikling talakayan ng kanilang grupo sa loob ng klase, napagtanto ni Lyn na hindi lang ito basta isang subject. Isa itong paglalakbay patungo sa pag-unawa sa mga pangyayaring humubog sa bansa, at isang paalala na kahit sa gitna ng pagod at minsa’y pagkahuli, mahalaga ang pagkatuto at pagsusumikap. Habang patuloy ang klase, unti-unting nawawala ang kaba at napapalitan ng inspirasyon ang loob niya--isang hakbang patungo sa isang makabuluhang araw sa paaralan.