Araw-araw bumibili si Caroline ng Krispop sa kanila Christian.
Lumago ang paninda nila at naging prutas ito at natanggap sa kalapit na pabrika ang ama nito,
habang nag-aaral naman sila ay patuloy pa rin ang pagiging mag-kaibigan nila.
Grade 6 pa lang sila ay naging best of friend na sila.
Sa tuwing dadalaw sa bahay nila si Christian para mag hatid at
buhatin ang gas na inorder nila nahihiya ito sa mga magulang ni Caroline.
Lumago ang negosyo nila at naging sari- sari store ito.
Naging katuwang ng mga magulang niya si Christian sa kanilang munting negosyo at masipag ito.
Nasa high school ito at si Caroline naman ay graduating ng elemtary.
Isang araw may nag tanong kay Caroline na kapitbahay
nila.
" Caroline, sino crush mo dito?" si malditang Safe.
" Wala dito ang crush ko. Hindi mo kilala." sagot naman ni Caroline.
Matalim ang tingin na sinukli nito sa kanya.
" Ang sungit naman nitong Safe na ito." bubulong bulong na wika ni Caroline.
" May sinasabi ka ba?" masungit na tanong ni Safe.
" Wala! Bakit may narinig ka ba? Baka minumulto ka na
niyan." sagot ni Caroline sabay alis pag katapos ibinaba ang bayad sa lugaw na kinain.
Bakasyon at nakilala niya sila Riz at ang iba pa niyang kabarkada.
Naliligo sila sa ulan ng kanyang barkada ng makita rin niyang naliligo na rin si Christian.
Nakahubad ang pang itaas nito at nag bubuhat ng case ng beer para sa sari -sari store nila.
Ang laki ng mga muscles nito at parang nanunuksosong nakaumbok ang mga
maskuladong mga braso nito na yakapin siya.
Pinokpok ni Caroline ang tagiliran ng ulo niya para magising ang natutulog niyang isipan.
"Na-apektuhan ata ako. Napasukan ata ng tubig ang tenga ko at umakyat sa utak ko." naisip-isip niya.
Isang araw nabalitaan na lang niya na girlfriend pala niya si Safe. At nag titinda na rin ito
ng sari-sari store. Nag katampuhan daw ang dalawa dahil balak mag abroad magulang
niya at isusunod siya sa abroad. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na nag- break up sila
Safe at Christian. Sa tingin ko hindi sila nag kasundo sa disisyon sa trabaho at negosyo.
Dumaan ang panahon na mag kaibigan pa rin sila Caroline at Christian. Ngunit sa sobrang
honest ni Caroline sa mga kaibigan niya napapagkamalan tuloy siya ni Christian na traydor
sa pag kakaibigan nilang dalawa. Binansagan niyang traydor si Caroline.