Dumating ang kaarawan ni Caroline.
15 years old na siya sa birthday niya.
Nang makatanggap siya nang isang magandang regalo na kinabigla niya.
" Ganda may e- aabot daw sayo si Edie Falco."Wika ni Riz, na sa magandang kasuotan na bistida.
Lumapit siya sa dalawa at inabot ang regalong binibigay ni Edie.
" Thank you! And nice meeting you Edie Falco." wika ni Caroline na may ngiti sa labi.
" Walang ano man para sa magandang dalaga na may kaarawan sa araw na ito.
Maari ba kitang maisayaw sa tugtugin magiliw?" sabi ni Edie na natatawa naman si Caroline.
"Masyado ka namang makata Edie. Puwede namang itigil natin ang masyadong pormal sa kuwentuhan natin.
Sure, puwede mo naman akong i-sayaw." sinabi pa ni Caroline dito na nag pati-una pa sa dance floor.
At sumayaw na sila sa tugtugin na love song.
" Ahmm... Caroline puwede ba ako pumasyal sa inyo?" Tanong ni Edie.
" Ha? Di ba may sakit lang ang pinapasyalan sa bahay? Wala naman akong sakit." Nakangiti na Saad ni Caroline.
" Uhmm.. ehh Kasi..." Nagkakamot na Sabi ni Edie.
" Hindi, binibiro lang kita. Sige, puwede ka mag-punta sa bahay namin." Wika ni Caroline.
" Uhummm... Pre! Puwedeng ako naman ang mag sayaw Kay Caroline?" Singit ni Christian Kay Edie.
" Okay! Ikaw pala Christian! Sure-sure! Caroline, out muna ako." Exit ni Edie.
"So..... how are you?" Tanong ni Christian kay Caroline, habang tinitignan si Edie na papalayo sa kanila.
"By the way, Happy Birthday to you Caroline!" Na baling sa kanya at masiglang bati nito sa kanya.
Na sa kanya na-nakatingin.
Nagulat ito na nakasimangot si Caroline habang mabagal na sumasabay sa kanya sa saliw ng tugtog.
"Oh! B't nakasimangot ka diyan? Ayaw mo ba ako makasayaw? " Ngiting-ngiting winika ni Christian kay Caroline.
Sabagay ang lahat ng mga kababaihan sa lugar namin ay nais si Christian na makasayaw at hindi lang yun.
Pati na rin maging nobyo nila.
Sino ba naman ang hindi magkakagusto dito, napakasipag na anak at may hitsura naman ito at nagiging malapad ang balikat na nagiging maskulado na ang pangangatawan nito.
Pero, wah epek ito kay Caroline sa kadahilanang lagi na lamang siyang pina-iiyak nito.
"Oi, Christian... huwag mong sirain ang araw ko dahil kaarawan ko ngayon." Nakangusong umismid si Caroline.
" Oh! Teka- teka lang, huwag kang magalit. Kaya ako nandito para makipag peace na ako sayo." Depensa naman ni Christian.
Tinaasan na lamang ng kilay ni Caroline si Christian.
Hindi pa rin siya naniniwala dito na gusto nito makipag peace na sa akin.
" Che! Mukha kang ipis!" Sabay iwan nya dito sa dance floor.
Kakamot-kamot na lang si Christian na umiiling-iling.