Chapter 9 - Ang Friendly Date

601 Words
"Mother...mag-papaalam po sana ako. Mag didinner po sana kami ni Sean sa labasan at susunduin at ihahatid niya po ako." Dugtong na paalam ni Caroline sa magulang niya. "Sinong Sean naman 'yan anak? At gabi na ah." Wika ng Ama niya. "Si Sean Soriano po, 'yung dati po nating kapitbahay noon at kalaro ko po." Ngiting sabi niya sa Ama. "Ah! Anak ba ni Mr. at Mrs. Soriano na kumpare at kumare natin mahal." Excited na sagot ng Mother ni Caroline. " Ah, ganun ba? Sige nga, papuntahin mo siya dito para makausap din naman namin siya ng Mama mo." Sumasang ayon na sabi ng Ama niya. "Sige po mag bibihis na po ako Papa." Paalam niya sa Ama. "Sige anak. Kami na bahala pag-dating niya. Asikasuhin mo muna sarili mo." Sagot ng Ama. " Sige akong bahala sa kanya anak. Kausapin muna namin siya ng Ama mo pag dating niya dito." Wika rin ng Ina niya. Umakyat na sa hagdanan si Caroline at dumeretso sa kanyang silid, upang mag-bihis at ayusin ang sarili. Nag tungo siya sa kanyang dresser at namili ng bistidang itim na may siquence na silver na makintab sa dibdib. Sinuot niya ito at nag tungo sa tokador upang mag lagay ng make up sa mukha. Huling pahid niya sa mukha ang lipstick ng may mag doorbell sa labas. Si Sean na 'yun for sure. Sinuot niya ang one strap sa daliri ng paa ng sandals na pa-ekis hanggang sa binti ang doble straps sa unkle. Last ay nag spray na siya ng perfume. Nilugay lang niya ang mahabang itim na buhok. Lumabas na siya sa silid niya at pababa na siya sa may hagdanan nang makita niya na nakaupo si Sean at ang Parents niya. Nang makita siya ay bigla itong tumayo at nag greet ng " Magandang gabi sayo Caroline." Sabi nito na titig na titig sa kanya. "Oh, ayan na pala ang anak mo Pa! Mag - iingat kayo Sean ha? Huwag masyado mag pagabi sa pag-uwi." Sabi ng Ina ni Caroline. Nag kamay si Sean at ang Papa ni Caroline at sinabihan ang binata na ingat sila. Pag labas nila ng bahay, nakita niyang dumaan si Christian at ang mga barkada nito. "Wow Pre! Ganda ni Lyn oh. Kaya lang may boyfriend na ata. Wala na, no chances ka na talaga sa kanya." Bulong ng isa niyang kabarkada na kulot ang buhok. "Bakit sino ba may sabi sa inyo na liligawan ko si Lyn? Hahahaha. Liligawan ko lang 'yun pag katapusan na ng mundo! Ang sungit kaya 'nun sa akin." Ngi-ngiting sabi ni Christian. " Sige mga Pre, pustahan tayo! Hindi mapapasagot ni Christian si Lyn kapag niligawan niya ito." Excited na sabi ng kabarkada niya na ang buhok naman ay flat top. " Sige 500 pesos ang pustahan. Kaya kong mapasagot si Lyn. " Hamon ni Christian. "Sige ba!" Sabay-sabay na sagot ng mga kabarkada niya na nag appearan pa at nag tawanan. Nakita ni Caroline na nagtatawanan ang mga kabarkada ni Christian, sabay hampas sa balikat ng isa niyang kaibigan at ang iba naman ay kinarga siya at pilit na tinutuwad at itinataktak sabay bitaw sa kanya na ikinalaglag ni Christian sa kalsada. Wala naman kamuwang-muwang si Sean na binuksan nito ang pintuan ng sports car nito upang papasukin si Caroline sa loob ng kotse niya. " Shall we go ?" Tanong ni Sean sa kanya. Tinaasan ng kilay ni Caroline si Christian. At pumasok ito sa loob ng sports car ni Sean. Umikot naman si Sean para sa driver seat ito umupo at ini- start nito ang makina ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD