3

1080 Words
Three Weeks Later… SUNOD-SUNOD na katok at presensiya ng sekretarya na si Cynthia ang nakapagpaalis ng concentration ni Seymor sa kanyang binabasa. “Sir, may bisita po kayo.”             Tumingin si Seymor sa sekretarya. Napansin niya ang takot sa mga mata nito. “Wala akong inaasahan na bisita, Cynthia. Baka hindi sa akin `yan.” Balewala naman na sagot niya at tumingin ulit sa papeles na binabasa niya. Kasalukuyan siyang may nirereview na kontrata para sa business expansion nila next month. “Saka busy ako ngayon. Alam mo naman `yun kaya hindi ka na dapat nagsabi sa akin. Sabihin mo ay bumalik na lang siya sa ibang araw.”             “I’m sorry po, Sir. Masyado pong mapilit.” Napatingin tuloy ulit siya sa sekretarya. Nakangiwi na ito. “Busy rin daw siyang tao kaya kailangan na harapin niyo raw siya.”             Tumaas ang isang kilay niya. “I never knew anyone who will force themselves in coming when they were told I am busy.” Sandaling naningkit ang mata niya. “Teka, isa ba `yan kayna Dash---“             Umiling si Cynthia. “Hindi niyo po siya kaibigan. Hindi ko nga po sigurado kung kilala niyo, eh.”             “What’s her name?”             “Luna daw po.”             “Luna, what?”             “Hindi ko po alam kung ano ang apelyido, Sir. Ayaw niya po na sabihin.”             “Ano daw ang kailangan niya?”             Napakamot ito ng ulo. “Ayaw rin po niya na sabihin. Pero sa pagtingin ko po, mukhang importante at nagpupumilit po talaga.” Ngumiwi na naman si Cynthia. “Ahmm… Sir, sorry po talaga. Pero baka po puwede niyong pagbigyan sa pakikipag-usap. Mukhang hindi siya papipigil. Halos pasigaw po siya na magsalita sa akin at may pagka-intimidating. Gusto ko na nga po sana na tumawag ng security dahil alam ko naman po na busy kayo. Kaya lang ay naisip ko na mas magandang i-konsulta ko muna ito sa inyo. Isa pa, mukha naman siyang disente sa pisikal na anyo.”             Tumingin si Seymor sa relo niya. It’s almost time for his small break. “Fine. Sana lang ay mabilis lang siya.”             Tumango si Cynthia at lumabas na ng pinto. Inaayos niya ang mga papel na binabasa para itabi sandali nang pumasok na ang kanyang bisita.             Tinitigan muna ni Seymor ang mapilit na bisita mula ulo hanggang paa. And as he did, he felt a different pang in his chest. Sigurado talaga siya na hindi niya kilala ang babae na ito. Pero parang iba ang sinasabi ng katawan niya, lalo na ang puso niya. Lumakas ang t***k noon at kahit na ba hindi iyon normal sa kanya ay parang may nagsasabi sa isip niya na minsan ay naramdaman na niya iyon. He felt bothered and excited.             Maybe it’s because the girl has an enticing beauty… Nasa isip-isip ni Seymor habang patuloy pa rin na pinapasadahan ito ng tingin. He felt a sensitive ache while looking from her red dress to her red stilettos. Long legged at may kakinisan rin ito, lalo na ang binti nito na exposed at emphasized dahil sa three inches above the knee yata ang dulo ng dress nito. Hapit rin sa katawan iyon kaya makikita maganda rin nitong hubog. Dahil may pagka-plunging rin ang neckline ng dress ay visible ang cleavage ng may kalakihan rin nitong dibdib.             Lumunok muna si Seymor para pakalmahin ang kanyang puso. “W-who are you?”             Lumapit sa kanya ang babae. There is a confident smile on her face. Lalo siyang nagulo nang ilagay pa nito ang itim na hermes bag sa ibabaw ng lamesa niya.             “Seriously? It’s just been three weeks and you forgot about me?”             “Three weeks?” Kumunot ang noo niya at naguluhan ang isip. “I think it’s our first meeting, isn’t it?”             At least in person. Gustong idagdag ni Seymor. Pantasya ng kalalakihan ang pisikal na anyo ng babae. Maybe he really did see him too---in her dreams!             Tinaasan siya ng babae ng kilay. “Are you really so drunk that time?”             “Drunk?” Seymor tried to remember what happened three weeks ago. Sandali siyang natigilan at nang maalala ang lahat ay parang gustong mapakagat ang ibabang labi. Oo nga pala, three weeks ago ay ang tuluyan ng pagtanggi sa kanya ni Kaia nang magpakasal ito sa kaibigan niya na si Dash at ang kauna-unahan rin na pag-inom niya na mag-isa sa bar.             And he got wasted.             “Teka, nakilala ba kita noong time na `yun? Sorry dahil masyado akong nalango sa alak.”             “Sorry?” Inirapan siya ng babae. “Hindi ko tatanggapin `yun.”             Lumakas ulit ang t***k ng puso ni Seymor pero sa iba ng dahilan. Parang kaba na iyon. He started to feel imminent danger, too. “May naggawa ba akong masama sa `yo?”             “No. I considered what happened to be very beautiful.” Wika nito at humawak sa tiyan. Mala-anghel na ngumiti rin ito.             Natulala si Seymor. Sa unang tingin ay parang mangangain ang babae dahil sa angking confidence ng kilos nito. Pero ngayon ay parang nagbigay ito ng ibang side na nakapagpalambot sa kanya.             Tama ang naramdaman ni Seymor. May delikado nga na mangyayari. At mukhang galing pa iyon sa puso niya.             Pero ayaw ni Seymor na magpaapekto. Pagkatapos ng lahat, nang huli siyang magpaapekto sa isang babae ay nasaktan lang siya. Hindi pa siya handang masaktan ulit.             Kumunot ang noo ni Seymor. “What was that?”             Tumingin ito sa kanya. “It is something related to you---to us.”             “Ha?”             Tinanggal ng babae ang kamay nito sa tiyan. Tuluyan na itong lumapit sa kanya. Naamoy naman niya ang mabango at mukhang mamahalin nitong pabango. It lingered in his nose and the soft touch of her hand creates magic on his skin. Shivers of delight travelled his entire body. Parang may binubuhay rin na natutulog na bahagi niya ang babae. He felt sensitive.             Kinuha ng babae ang kamay niya at nilagay iyon sa tiyan nito.  “We are going to have a baby…”             “We?” Nalaglag ang panga niya. The danger is real and hard. This woman is really a bombshell but he was too late to realize that she is also carrying bombs that will take him to hell.             “Yes…” Ngiting-ngiti pa rin ang babae sa kabila ng pamumutla niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD