KAHAPON pa pinipilit ni Luna na mag-concentrate sa trabaho. Nahihirapan siya pero sinusubukan na kayanin. Pagkatapos ng lahat, maliit na rason lang naman na ma-distract siya. Ni hindi nga niya kilala o nakikita pa ang pinaka-dahilan ng distraction niya kaya hindi dapat talaga. Pero malapit ito sa taong malapit sa kanya kahit papaano ay nag-aalala siya. Gusto man niyang iwasan si Seymor pero nang malaman na may mabigat itong problema ay nagugulo siya. Ayon sa huli nilang pag-uusap ay dinala sa ospital ang Mama nito dahil sa mataas na blood pressure. Okay na naman daw ito at wala na dapat ipag-alala. Pero dahil roon, nabawasan ang oras ng pangungulit sa kanya ni Seymor. Naging busy ito. It should be okay, especially that she wanted to think what’s good for both of them. Naiintin

