HATI ang loob ni Seymor sa pagtatapos ng high school life niya. Masaya dahil sa achievement ng pagtatapos pero malungkot dahil mami-miss niya ang mga classmates at kaibigan niya. Aalis na kasi sila ng Lucena---ang lugar kung saan siya lumaki at nag-aral. Noong isang buwan lang kasi ay nagkaroon ng magandang opportunity sa trabaho ang Daddy niya sa Maynila. Lilipat na rin ang buong pamilya niya roon dahil nakakuha rin ng magandang bahay ang magulang niya roon. Halos lahat ng mga kaklase niya ay mananatili sa Lucena o kaya ay sa kalapit na probinsya para magkolehiyo kaya lalo niya iyon na ikinalungkot. Pero pinili na lang ni Seymor na magpaka-positibo. Magkakaroon rin siya ng mga bagong kaibigan sa Maynila. Kung gugustuhin niya, madali lang rin naman ang bumalik sa Lucena. May m

