"BAYARANG BABAE " CHAPTER 17 3 MONTHS LATER MASAYA ang lahat dahil sa wakas ay nagising na si Regin, magaling na ito at masigla. Pero sabi nang doctor ay kailangan niya munang mag stay sa ospital nang isa o dalawang araw para obserbahan pa siya. "Ate salamat naman at gising kana, nawaka na ang pangamba ko. Miss na miss kana nitong si baby Angel alam mo ba ha". Maluha-luhang wika ni Riri dito. "Maraming salamat Mariposa ah, hindi mo ako sinukuan at inalagaan mo nang maayos ang anak ko. Mabuti naman at tumba-taba na siya". Aniya habang nakatingin sa anak na nasa bisig nya. Maluha-luha din si Regin habang kalong ang anak, halatang namiss niya ito nang sobra. Halatang nagagalak din ang anak niyang si Angel habang nakipagtawanan na sa kanya. "Ikaw kamusta ka naman? Okey kaba sa tunay m

