Sa wakas ay naagapan nila si Justine nakasurvive siya. Namatay siya ng 5 mins. At nabuhay ulit dahil sabi ng Doctor lumalaban daw siya kaya hindi nila sinukuan ang pagsagip sa buhay niya. Alam kong pinipilit niyang mabuhay kahit ganoon kalala ang lagay niya. Naniniwala akong mabubuhay siya dahil may mahalaga pa siyang sasabihin sakin at ganon din ako sa kanya. ••• Mga two months mahigit na simula ng mangyari ang aksidente pero hindi parin siya gumigising. Wala din akong ginawa kundi bantayan siya. Bahay-Ospital lang ang takbo ng buhay ko. Hindi ako umaalis sa tabi niya dahil naniniwala ako na baka isang araw ay magising siya at gusto kong pagmulat ng mga mata ay ako ang una niyang makita. Excited na din akong ibalita sa kanya na magkakababy na kami. Nandito ako ngayon sa Hospital

