Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking kinatatayuan at nanigas. May kung anong kumirot sa aking puso at hindi ko rin maigalaw ang aking mga paa habang tulala lamang ako sa aking nakita. Si kuya, may kahalikang babae. Gusto ko nang umalis sa aking kinatatayuan ngunit ayaw sumunod ng aking mga paa. Nagsisiunahan na din ang aking mga luha sa pagbagsak. Nakatayo lamang ako habang sila ay sarap na sarap sa kanilang ginagawa na animoy parang mga sabik na sabik sa isa't isa. Tumungo lang sila sa sofa habang hindi pinuputol ang kanilang halikan. Hanggang sa nagulat na lang ako at pareho na silang walang saplot sa katawan. Tinakpan ko lang ang aking bibig upang mapigilan ang aking pag-iyak. Parang nabibingi ako sa mga ungol nila na patuloy na nagpapasakit sa aking puso. Bakit ba ako

