Umakyat na kami ni James sa kwarto dahil dito nalang kami pinatulog ni Mommy at sabi niya hindi na daw kami pwedeng umalis dito, dito na daw kami titira kaya wala na akong nagawa. "Baby sleep na!" Sabi ko sa kanya habang hinihimas yung noo niya. "Mommy where's Daddy?" Tanong niya sakin. "Nasa room niya na!" Sagot ko at kinumutan na siya. "Mommy I want to sleep with Dad!" Pakiusap niya sakin at nagpacute pa. "Baby hindi pwede tulog na si Daddy!" Sagot ko at napapout naman siya. Maya-maya'y may kumatok sa pinto kaya agad akong lumapit at binuksan. "Daddy!" Sigaw ni James habang nakatayo na. "Gusto ko lang sanang i-check kung tulog na si Baby at maggugood-night kiss din ako sa kanya!" Sabi niya at pumasok na saka dumiretso kay James. Niyakap naman niya agad si James at tinumba s

