It is a lonely feeling when someone you love becomes a strager..
——————————————————————
Morticia POV
Mabilis na tinulak ko ang tao'ng nakadagan sakin. Hindi ko ito pinansin kanina dahil akala ko siya si... Sino nga ba?
Tumalsik naman ito sa pader. Napalakas ata ang tulak ko dahil halos masira ang buong pader pagkalaglag niya.
"Who are you?!" sino ba kasi nagpapasok sa kanya sa kwarto ko?
Dahan-dahan siya tumayo matapos pagpagin ang pwetan at likuran niya at tinuro ang sarili. "Me? You don't know me?" hindi niya makapaniwalang tanong.
Bobo ba siya o tanga lang? Tatanungin ko ba siya kung kilala ko? Napa roll eyes naman ako. "Get out of my room."
"No way!" She exclaimed. What the hell? Nakalunok ba siya ng megaphone nung bata siya? Agh. Never mind.
"I said get out" sabay turo sa pinto. "Now!"
"Narinig ko!" Padabog niya sinara ang pinto pagkalabas.
Napahilot ako sa sentido ko. Ngayon ko lang napansin ang sakit nito lalo na sa ibabang parte ng katawan ko sa pagitan ng mga hita ko. Ano ba nangyari sakin?
Pagkatapos maligo napag desisyonan kong pumunta sa training ground para makapag ensayo. Maraming kalalakihan ang nakabilad sa araw habang walang pangitaas na suot ang iba naman nasa archery ground. Iba naman nag aaral gumamit ng baston sticks, swords at iba pa na ewan ko kung anong tawag.
Dumeretso ako sa ilalim ng puno at doon naupo. Manunuod na lang siguro muna ako dito. Napapikit ako at tumingala sa madilim na kalangitan. Nakalimutan ko wala nga palang araw dito. Ano ba talaga nangyayari sakin?
Pakiramdam ko may kulang, ang daming kulang. Hindi ko mapagtanto kung ano o sino. Ang bigat sa pakiramdam at ayoko ng ganito. Unti-unting nawawala ang bigat na pakiramdam ko. Nagiging manhid ang katawan ko. Maski ang puso ko hindi ko marinig.
"Why are you crying?" Isang boses ang narinig ko sa aking utak. Napapikit ako ng mariin. "You're in pain" dagdag pa niya.
"I'll forget this pain and the reason of this after so you don't need to doubt" hindi ko maaninag kung sino siya. Just a pure black of her. "You've already broke me, please break me more..." nakatingin lang siya sakin.
I don't know why I'm talking to her, she's just a stranger but still I'm talking to her. Funny. Parang kilala ko siya at sa kanya ko binubunton kung ano man ito.
Ang sakit. 'Yan lang nararamdaman ko. Bakit? Hindi ko rin matandaan. Wala akong maalala na tao'ng nanakit o nang iwan sakin. Pakiramdam ko pinagkaisahan nila ako. Para saan naman kaya?
Ang mga tanong ko ay nasasagot pa ng isang tanong hanggang sa mapuno ng katanungan ang isipan ko.
I'm already numb and I want to feel the numbness even more.....
"Umiiyak ka nanaman, tss" napa-tingin ako sa tao'ng kadarating lang. Pinanuod ko lang siya maupo sa tabi ko. Still hindi ko pa rin makita ang mukha niya. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko. "Don't waste your tears for someone who doesn't deserve it, instead save it for someone who's willing to wipe your tears and worth for it."
"Like you?" Bahagya naman siya nagulat pero ngumiti rin kahit hindi ko makita ang mukha niya.
"I love you, but you keep hurting me amd gave me suffered of pained." I feel pained too. I don't know why.
"If you ain't sure about your feelings stop, drop and roll" ano daw? Pinagsasabi nito.
"Ano bang gender mo?" Out of the blue nasabi ko na lang.
"Girl, Boy, Gay, Lesbian"
"What?" Umayos ako ng upo. "Hindi kita maintindihan."
"It's for me to know and for you to find out" seriously? I guess he or she is crazy.
Dumagdag pa siya sa isipin ko. Hindi ko na nga maalala kung ano nangyari sakin kahapon nung nag 18th birthday ako tapos haysss...
"Gumising ka na, iwan mo na ulit ako dito"
"Makikita pa ba kita mamaya?"
"Of course, I'm always here you know" tumango na lang ako.
Muli ako bumalik sa reality. Naalala ko nanaman kung pa'no ako umiyak at maka-usap ang baliw na 'yon. Gabi-gabi nandoon siya sa panaginip ko. Napaka tyaga niya mag-antay para sakin.
Napapa-isip tuloy ako. Ano kaya ginagawa niya kapag wala ako? Siguradong madilim doon at mag-isa lang siya. Katulad ko mag-isa.
"Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap, hindi ka pa kumakain ng breakfast at lunch. Hula ko nakatulog ka ulit 'no?" ngising sabi niya.
"Pakealam mo naman" mataray kong sagot.
Nawala ang ngisi sa labi niya. "Ang hard mo talaga kung kslownsknzks" hindi ko narinig ang huli niyang sinabi. "Tara na nga mag ensayo na tayo kanina ka la tulog ng tulog hindi na healthy 'yan" hinawakan niya ako sa pulsuhan bago pwersahang pinatayo at kinaladkad.
——————————————————————
Someone's POV
Ang baho, ang daming alikabok kahit saan. May mga spider webs din sa paligid, mabaho ang amoy sa paligid, maraming patay na nagkalat. Sa gitna ng kuwarto ay may isang babae'ng nakatali ng kadena.
Maraming sugat, pasa at duguan ang katawan. Punit-punit ang suot na damit, magulo ang buhok at halos hindi na makatayo. Mabuti na lang ay nandiyan ang kadenang sumusuporta para hindi siya tuluyang matumba.
Tumingin sa kanya si Draven na may ngisi sa labi habang humihithit ng sigarilyo sabay buga ng usok sa mukha nito dahilan ma-ubo ito at magising.
"Ang tibay mo rin 'no? Akala ko ba tinapos niyo na ang isang 'to?" Tanong niya sa mga tauhan.
Napakamot naman ang isa sa kilay. "Eh boss nawawala 'yung sungay ni Cephalus eh"
Napa taas kilay naman siya. "Ano?! Kabilin-bilinan kong 'wag niyo iwawala 'yun. Hanapin niyo mga inutil!" bago binato ang stick ng sigarilyo sa isang sulok ng kwarto.
Naglikha ito ng maliit na sunog habang sa kumalat sa buong mansyon ng hindi nila napapansin. Muli siya tumingin sa babae bago dinuro. "Ikaw, anong ngingisi-ngisi mo diyan?"
"Sa tingin mo ba mapapatay mo'ko gamit 'yun" tumawa ito ng pagak. "Bobo ka pala eh!" Sinamaan niya ng tingin ang babae. "Hindi na siya ang hari remember? Nasaang lupalop pa ng impyerno utak mo?" Nag tagis ang bagang niya sa narinig bago sinampal ng malakas ang babae.
Hinawakan niya ng madiin ang buhok nito. "What did you said?! Ako bobo? Kumpara naman sayo na tatanga-tanga at hindi nag-iingat kaya nga nandito ka sa teritoryo namin 'di ba?" Napa-aray naman ng matindi ang babae nang sikmurahan siya nito.
"Eh anong tawag mo sa kabobohang ginawa mo ngayon?" napakunot naman ang noo niya. Ngumuso ang babae at sinundan naman ng tingin ito ni Draven.
Unti-unti naging abo ang parte ng mansyon na tinupok ng hindi ordinaryong apoy. Malapit na rin sa kalahati at magiging abo na lahat ng bagay. Mabilis naglaho si Draven at iniwan ang babae'ng bihag.
Makawala lang ako dito gagantihan kita hinayupak ka...
Kinuha niya mula sa boots na suot ang sungay ni Cephalus at ginamit ito upang tunawin ang kadena sa kamay niya bago mabilis naglaho.
Sooner or later, everyone will sits down to a banquet of consequences...
——————————————————————
Sorry, busy sa exam.