Enjoy reading! Zaphire's PoV, "Zap, sorry talaga. Hindi ko sinasadya na mangyayari lahat ng ito." Pagmamakaawa sa 'kin ni Crystal. Pagdating ko kasi sa Italy ay agad ko siyang hinanap. Kailangan ko kasi siyang makausap tungkol sa Restaurant. Kung paanong nangyari na ang bilis mawala sa akin ng Restaurant ko. "Zap, believe me. I did my best. Nagmakaawa pa nga ako sa kanya para hindi niya bilhin ang Restaurant mo. Pero sinumbat niya lahat ng mga ginawa ko noon sa kanya. Kung paano kita ginamit para mahalin ka niya." Patuloy na paliwanag niya. Ngayon nasagot na ang lahat ng tanong ko. Lahat ng gumugulo sa isip ko. Natauhan ako sa lahat ng mga pinanggagawa niya sa akin. Kung tutuusin sobra na ang pagganti niya. "Zap, I'm sorry. Sorry kung hindi ko mabawi ang Restaurant mo. Kung gusto

