Enjoy reading! Zaphire's PoV, PAGKALAPAG ng sinasakyan naming eroplano ay ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. Ngayon na narito na ulit ako sa Pilipinas ay hindi ko maiwasang mag-isip ng mga negatibo. Kailangan kong mag-ingat. "Mommy? We're here. Let's go," napakurap ako at napatingin sa anak ko. Halatang excited na siya na bumaba na ng eroplano. Kaya agad na akong tumayo at ngayon ko lang napansin na kami na lang pala ang nasa loob. Pagkababa ay agad namin kinuha ang mga gamit namin. At pagkatapos ay agad kaming pumara ng taxi. Hindi alam ni mommy at daddy na uuwi kami ngayon. Kaya walang sumundo sa amin. "Saan po kayo ma'am?" Tanong ng driver. "Sa San Martin po, manong." Sagot ko. Kaya agad kaming nag byahe. Napapatingin ako sa paligid habang nagba-byahe. Ilang taon din ang itin

