Prologue

1494 Words
Enjoy reading!  Habang naka-upo ang barkada nina Zaphire sa isang mesa sa canteen ay tinatawanan nila ang isang lalaki na naka-upo sa isang mesa na malapit lang din sa kanila. Kumakain ito ng burger. Isang nerd na lalaki at ang luwag pa ng uniform nito dahil ang payat. Bigla itong napatingin sa kanila dahil ang ingay nila. Biglang nagtama ang mga mata nila. Pero ilang minuto lang ay bumalik din ito sa pagkain ng burger.  "Zap hinahamon kita sa isang laro," sabi ng kaibigan niyang si Crystal. Nakangiti ito na para bang may binabalak. "Ano naman?" Tanong niya.  "Kunin mo ang loob ng nerd na 'yan. Kailangang ma-fall siya sayo." Sagot ng kaibigan niya.  "Ano naman ang price?" Tanong niya.  "My car." Sagot ng kaibigan niya. Type niya pa naman ang kotse ng kaibigan niya.  "Deal." Sagot niya at ngumiti.  "Okay." Sagot ni Crystal. Pagkatapos nang pag-uusap nila sa canteen ay agad na silang bumalik sa room nila. At doon nakita ni Zaphire ang lalaking nerd. Nakaupo ito sa pinaka likod. At sa pagkaka-alam niya ito 'yong nangunguna sa klase nila. Wala itong mga kaibigan kaya nag-iisa lang sa likod. Tumingin naman si Zaphire sa dalawa niyang kaibigan at ngumiti. Pagkatapos ay agad siyang tumayo at pumunta sa tabi ng lalakeng nerd. At dahil vacant nila ngayon ay magagawa niya na ang deal nila ni Crystal.  Umupo siya sa tabi nito. Ngunit hindi parin siya pinapansin ng lalaki kahit tingin wala. Kaya mas lalo siyang ginanahan na mapa-ibig ito.  "Hello," bati niya sa lalaki.  Ngunit hindi parin ito tumitingin sa kaniya. Na para bang hangin lang siya sa tabi nito. Napabuntong hininga siya bago nagsalita ulit.  "Hello, I'm Zaphire Saavedra. And you are?" Sabi niya sabay lahad ng kamay nito sa harap ng lalaki. At sa wakas ay napatingin din ito sakanya. Inayos muna nito ang salamin.  "D-denzel Rivera." Nauutal na sabi ng lalaki at nakipag kamayan sa kaniya. Halatang nahihiya ito sa kaniya.  Napangiti naman siya ng tinanggap nito ang kamay niya.  "Nice to meet you Denzel," sabi niya at tinanggal ang kamay niya.  "Nice to meet you too,Z-zaphire." Nauutal na sagot din nito. Hindi na natuloy ni Zaphire ang sasabihin niya ng biglang dumating ang guro nila. Agad siyang bumalik sa upuan niya. At pagkatapos ng klase nila ng araw na yun. Hindi papayag si Zaphire na hindi siya mapalapit kay Denzel. Kaya naman pagkalabas nilang tatlo agad silang pumunta kung saan laging tumatambay si Denzel. Sa isang puno at may isang bench doon sa ilalaim. Nakita nila doon si Denzel na abala sa pagbabasa ng libro. Siya lang ang lumapit sa lalaki at ang dalawa niyang kaibigan ay sa isang bench umupo na malapit lang.  "Hi"pagkuha niya sa atensyon ni Denzel. Napatingin naman ito sakanya.  "A-anong ginagawa mo d-dito?"nauutal na tanong sakanya ng lalaki. Lumapit siya sa lalaki at umupo sa tabi nito.  "Grabe ka naman sa'kin. Gusto ko lang makipag-kaibigan sayo. Masama ba yun?"nagtatampo niyang sabi.  Nakita niyang sinara nito ang libro na binabasa at humarap sakanya. "Hindi ako nakikipag kaibigan at mas lalong hindi ko kailangan ng kaibigan"sagot ni Denzel sakanya. Pero hindi niya pinansin iyon. Kailangan niyang mapalapit dito. Gusto niya ang kotse ni Crystal kaya kahit medyo naiinis na siya sa lalaki ay kinalma niya ang sarili.  "Mabait naman ako eh. Ayaw mo pa nun may kaibigan kana. May magpo-protekta sayo pag may nang bully sayo"aniya at ngumiti.  Pero hindi siya pinansin ni Denzel. "Bakit ayaw mong makipag kaibigan?"tanong niya.  Napabuntong hininga naman si Denzel bago sumagot. "Nakikipag kaibigan lang sila kapag may kailangan. At kapag wala na silang may mapapala sa'kin binubully na nila ako"malamig na sagot ni Denzel.  Bigla namang naawa si Zaphire sa narinig. Hindi iyon ang tinuro sakanya ng mga magulang niya. Pero gusto niya ang kotse ng kaibigan kaya gagawin niya 'to. Hindi kasi siya pinapayagan nv daddy niya na bumili ng sasakyan. Dahil ayaw ng daddy niya na mag drive siya.  "Hindi naman ako ganun eh. Gusto lang talaga kitang makaibigan"sagot niya.  "Bakit ako? Marami namang ibang lalaki sa school na mas gwapos sa'kin. Nerd ako at panget"sagot ni Denzel.  "Kaya nga eh. Gusto kita maging kaibigan kasi iba ka sa lahat"sagot niya.  "Kaya simula ngayon magkaibigan na tayo okay? Friends?"sabi niya at nilahad ang kamay. Tiningnan lang ito ni Denzel. Pagkaraan ay napabuntong hininga ito at tinanggap ang kamay niya.  "Friends"sagot niya. Napangiti naman si Zaphire. Sa wakas naging kaibigan na niya ito. Ang pangalawa niyang gagawin ay ang paibigin ito.  At pagkatapos ay makukuha na niya na kotse ng kaibigan.  ----- Sa mga sumunod na araw ay lagi silang magkasama ni Denzel. Hindi na siya sumasama minsan kay Crystal at Dianne dahil gusto niyang mapa ibig niya kaagad si Denzel sakanya para makuha na niya ang paboritong kotse ng kaibigan. At ngayon ay nasa paboritong tambayan ni Denzel sila nakaupo. Bumili lang sila ng makakain sa canteen at pumunta na sa ilalim ng puno. At habang kumakain si Zaphire ay nagulat siya sa ginawa ni Denzel.  "May chocolate ka kasi sa gilid ng labi mo"sabi ni Denzel ng punasan nito ang gilid ng labi niya. Napatingin naman si Zaphire sa mukha ni Denzel. Doon niya na napansin na kahit nerd ito ay may taglay din palang ka gwapuhan. Agad na napaiwas ng tingin si Zaphire sa naisip niya. Hanggang sa matapos silang kumain ay sabay din silang bumalik sa room nila.  Lumipas pa ang ilang linggo ay ganun parin ang ginagawa ni Zaphire. Lagi silang magkasama ni Denzel. At habang patagal ng patagal ang pakikipag kaibigan ni Zaphire kay Denzel ay hindi niya inaasahan na siya pala ang mahuhulog sa sarili niyang patibong. Unti-unti siyang nahuhulog kay Denzel. Gusto na niya sanang lumayo sa lalaki pero siya pwedeng umatras sa deal nila ng kaibigan.  Hanggang sa isang araw ay biglang nagtapat si Denzel sakanya. "Zaphire,mahala kita"nagulat siya sa sinabi ni Denzel. Kahit siya ay hindi makapagsalita sa narinig niya.  "Please,hayaan mong ligawan kita"sabi pa nito.  "D-denzel,pag-iisipa­n ko pa"tanging na isagot niya sa lalaki. Sa wakas natupad na rin ang plano niya. Ang mapa-ibig si Denzel. Pwede na siyang lumayo sa lalaki. At makukuha na niya rin ang kotse ng kaibigan. Pero may isang bahagi ng puso niya na nasasaktan sa gagawin niyang paglayo sa lalaki. Pati siya ay nahuhulog narin sa sarili niyang patibong. ----- Kinabukasan ay agad niyang pinuntahan ang dalawa niyang kaibigan para kausapin. Nakita niya ang mga ito sa loob ng room nila na nagku-kwentuhan. Agad siyang lumapit. "Hey mga dude!"bati niya sa dalawang kaibigan. "Kamusta Zaphire?"nakangiting­ tanong ni Dianne sakanya. "I'm fine"sagot niya. Umupo naman siya sa tabi ng dalawa niyang kaibigan. "So,kamusta ang deal natin?"nakangiting tanong ni Crystal sakanya. "Okay lang naman. Napapa-ibig ko na siya. Actually nagtapat na siya sa'kin na mahal na niya ako at liligawan"sagot niya. Nagulat naman ang dalawa sa sinabi niya. "Really? Yung nerd na yun umamin sayo?"di makapaniwalang sabi ni Dianne. "Yeah"sagot niya. "Ano pang hinihintay mo? Lumayo kana sakanya"utos ni Crystal sakanya. "H-hindi ko kaya"sagot niya. Nagulat naman ang dalawa niyang kaibigan sa sinabi niya. "Are you serious?"di makapaniwalang tanong sakanya ni Crystal. Tumango lang siya bilang sagot. "My ghad Zaphire. What happened to you? Na inlove ka sa isang nerd? Are you crazy?"sabi naman ni Dianne sakanya. At ang hindi niya alam ay nasa likod lang nila pala si Denzel at nakikinig sa pinag-uusapan nila. Bigla siyang nagulat ng makita ito. "K-kanina k-kapa ba d-dyan?"nauutal na tanong niya sa lalaki.  "Yeah. I heard everything"sagot ni Denzel. Bigla siyang kinabahan.  "Akala ko iba ka sa lahat. Sinabi mo rin dati na iba ka nga. Pero pare-pareho lang pala kayo"sabi ni Denzel at umalis ng room nila. Nanghihina siyang napayuko sa sinabi ni Denzel. "Okay kalang?"tanong ni Dianne sakanya. Tumango lang siya bilang sagot. Pagkatapos ng klase nila nung araw na yun ay agad niyang hinanap si Denzel. Pumunta siya sa palaging pinupuntahan ni Denzel pero wala ito doon. Pangalawa niyang pinuntahan ay ang canteen pero wala din doon.  "Zaphire pagod na kami"reklamo ni Dianne sakanya. "Hindi. Kailangan kong makausap siya"sagot niya. Ang huli nilang pinuntahan ay ang parking lot. At doon niya nakita si Denzel na naka upo sa isang tabi. Agad siyang lumapit dito.  "Denzel pwede ba tayong mag-usap?"sabi niya. Napatingin naman sakanya si Denzel. "Wala na tayong dapat pag-usapan. Rinig ko na ang lahat. At alam ko na rin na isang dare lang ang lahat"galit na sabi ni Denzel sakanya. "Sorry Denzel"tanging nasabi niya. "Okay lang. Sanay naman ako eh. Ngayong natupad na ang deal niyo masaya kana? Makukuha mo na yung sasakyan ng kaibigan mo"sabi pa nito. Nangunot naman ang noo niya sa sinabi ni Denzel sakanya. "P-paano mo n-nalaman?"takang tanong niya. "Sinabi sakin lahat ng kaibigan mo na si Dianne"sagot ni Denzel. "I'm sorry Denzel. Gusto ko na sanang ihinto yung deal na yun. Pero nahulog ako sa sarili kong patibong. Di ko inaasahan na mahuhulog din ako sayo"sabi niya. "Hindi mo na ako maloloko pa Zaphire. Umalis kana"sabi ni Denzel sakanya. Pero hindi siya umalis sa harap ni Denzel. "Umalis kana!"sigaw nito sakanya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang umalis. At sa nagdaang araw ay nabalitaan nalang ni Zaphire na umalis na ng school na yun si Denzel. At simula nun ay hindi na niya makalimutan si Denzel. At hanggang sa maka graduate siya ng High School at College ay hindi niya parin makalimutan ang lalaking niloko niya. •••••••• Thank you po sa pagbabasa. ©Miss_Terious02 All Rights Reserved 2017
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD