Kick out Yung pakiramdam na hindi ka nag-iisa kahit ang bigat na ng dinadala mo at may handa nang tumulong sayo, yun ang naramdaman ko sa nagdaan na araw. Sila ang naging sandalan ko. Nakahanap ako ng makakapitan sa sandaling palubog na ako. Sila narin ang mga naging seatmate ko. Doon nila ako pinaupo sa kanila para maiwasan yung pangbubully ng iba sa akin. Kaso may iba parin na talim makatingin sakin pero pag tinataasan ng kilay ni Anne ay nag-iiwas rin ng tingin. Nakilala ko sila isa isa kahit papano. Sina Julie at Ellie parehas silang soft hearted. Yung tipong nanyayakap. Napakacaring. Si Anne naman siya yung hindi ka yayakapin para lang iparamdam na nagmamalasakit siya. Sapat na 'yon sa tabas ng dila niya kung paano niya pagsalitaan ang ibang nambubully sakin at tarayan niya. Hindi ko

