Pregnant Good mood ako pagkagising ko. Ewan ko ba, sa sobrang saya ko ay nakapaskil iyon sa mukha ko. Nakangiti ako sa bawat gagawin ko dito sa bahay. "Good Morning Mommy." Hinalikan ko ito sa pisngi at umikot para pumwesto sa harapan niya at magbreakfast. Pati si Phoebe ay ganoon ang pagbati ko. Katabi ko kasi siya at titig na titig sakin habang dahan dahang sumusubo. Takang taka siguro lalo na't hindi naman ako ganito kasaya. "You look so happy Snow. Why?" tanong ni Mommy. "Wala naman po. Masaya lang talaga ako." Lalo na't bati na ulit kami. Balik na kami sa dati. Gusto ko iyong idugtong kaso baka magtaka ito. Kung pwede lang magtatalon ako dito at maglupasay sa sahig dahil sa kilig ay gagawin ko. Kagabi ko pa yan ginawa eh. Nagtatatalon ako sa kama habang kinaka

