For sure Nang matapos ko ang ginagawa ko ay inihatid niya rin ako sa tinitirhan ko. Laman ng utak ko ang sinabi niya kanina kay Autumn. Magkikita sila doon. "Hindi ako magtatagal dito. And you, get enough sleep." sabi niya habang pinapanood akong kumakain. Nagdrive thru kasi kami kanina. Katulad ng nakagawian. "Okay." Ngumiti ako. Hindi ko alam kung ba't pinupulupot ang tiyan ko. Yung tipong kumikirot at naninikip pero sa hindi ko malamang kadahilanan. What's this? "We're just gonna talk. Humingi ng pabor sakin ang ungas kong kapatid. May kinalolokohang babae. At bestfriend iyon ni Autumn." paliwanag niya. Tumango lang ako. Hindi naman kailangang mag-explain pero ginawa niya parin. Yung sa tono kasi ng pananalita ni Autumn kanina. Parang kung anong meron sa kanila. Tinanong niya p

