Hot and cold Napako ang tingin ko sa bagay na nalaglag kong gamit na inilalahad niya sa akin. Kinuha ko 'yon. Nakatitig lang siya sakin. Napapatingin ako sa kanya pero iniiwas ko rin. Hindi ko kayang tagalan ang tingin niya. Ang seryoso kasi. "T-Thanks." Pasimple ko nalang 'yong inilagay sa loob ng purse ko. Napatingin ako kay Sylver nang bumangon ang ulo niya at napatingin kay Jiro. Seryoso lang ang ekspresyon niya. Kinuha niya ang nakasalampak na headset sa tenga niya habang nandoon sa pinsan niya ang buo niyang atensyon. "Anong nangyari?" tanong ni Sylver sa pinsan niya. "Kamuntik siyang mahulog sakin." sagot ni Jiro. Hindi ko alam kung sinadya niya bang ganoon ang pagkakalahad niya ng nangyari o hindi niya lang 'yon napansin na parang may iba pa 'yong kahulugan. Napansin ko ang p

