Untold Part of Sylver Delafuente Nagkita rin naman sila ng kapatid niya. Si Phoebe na manang mana rin sa kanya. Mahiyain, iyakin. Nagtransfer ito sa highschool building at naging close agad si Yui. Doon pa lang nagduda na ako. Ba't alam ng mga magulang ni nyebe na nag-aaral ito sa BTSU? Alam ko mayaman sila. Pwede silang maghire ng private investigator para pasundan ang anak nila. Wala rin namang magulang ang gugustuhing malayo ang anak nila sa kanila. Kaya kinumbinsi ko nalang ang sarili ko na walang kakaiba doon kahit malakas ang kutob ko. Nagdate kaming dalawa. Bigla namang sumulpot dito ang mangkukulam at feeling Prinsesa kong pinsan. Nagdidate ba ang dalawa na 'to? Ewan ko ba diyan. Hindi ko lubos matukoy kung ano ba talaga silang dalawa. "Dating." sabi sakin ni Sky. Kahit hindi

