Kabanata 11 | Because

1087 Words
Nagtaas ako ng isang kilay at taas noo kong sinalubong ang mga mata niyang nakatitig sa akin. “Baka ikaw ang nag enjoy sa labi ko,” sabi ko at saka siya nginisihan. Nilagpasan ko siya at binangga ko pa ang balikat niya na siyang dahilan upang mabigyan niya ako ng daan palabas. Nagdiretso ako palabas ng suite. Agad akong napasandal sa pintuan. Napahawak ako sa dibdib ko habang habol habol ko ang hininga ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Umakto akong matapang sa harapan niya kanina. Pero ang totoo ay sobra sobra na ang paghuhuramentado ng puso ko. Bumaba ako ng kitchen upang kumuha ng pagkain para kay Zoren saka agad ding bumalik sa taas tulak-tulak ang trolley. Naabutan ko siyang nasa sala na at prenteng nakaupo sa sofa. Agad siyang tumayo nang nakita akong papasok ng suite. Hindi ko siya pinansin at didiretso na sana ako sa lamesa pero humarang siya sa daraanan ko. “Hindi ka ba nasarapan sa halik ko?” tanong niya. Umawang ang labi ko at agad akong napatingala sa kanya. Hanggang ngayon ba ay iniisip niya pa rin 'yong nangyaring halikan sa aming dalawa kanina? “May iba't-ibang uri ba ng halik, Mr. Russel? Para masabi mong hindi ako nasarapan?” “So nasarapan ka?” Agad akong umiling. “Wala akong sinabing nasarapan ako.” Nilagpasan ko siya at tuluyan na akong nagtungo sa lamesa. Inihanda ko ang mga pagkain niya. Naupo siya sa upuan niya at ilang sandali lang ay naupo na rin ako. Tahimik naming sinimulan ang dinner kahit pa pansin ko ang madalas na pagnanakaw niya ng tingin sa akin. “Alam mo bang sikat ako?” sa kalagitnaan ng dinner ay sabi niya. Kumunot ang noo ko at napatigil ako sa pagnguya. “Sikat saang banda?” “I'm a fuckboy and—” “That you shouldn't be proud of!” agad kong sabi kaya natigilan siya sa pagsasalita. “Sikat ako sa mga girls. Lahat sila ay humihingi pa ng kahit isa pa matapos akong maka-s*x. All of them enjoyed my lips, my tounge and my body...” Sumandal siya sa kanyang upuan. “Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mong aminin na nag enjoy ka sa halik ko!” mabilis na sabi niya. Mukhang nagsisimula na namang mairita sa akin. “Naririnig mo ba 'yang sarili mo? Hindi lahat ng babae katulad ng mga babaeng naka-s*x mo no!” “Sinasabi mo bang iba ka?” Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. “S-siguro?” Kumunot ang noo niya. “Siguro? Anong sagot 'yan? Oo at hindi lang, Melissa!” “Hindi,” matigas na sabi ko. “Sigurado akong babalik-balikan mo rin ako kapag natikman mo ako,” sabi niya at nagpatuloy na ulit sa pagkain. “Hindi ako interesado. At saka malaki ba 'yang alaga mo para maging ganyan ka ka-proud na maging fuckboy?” Kumunot ang noo niya at ibinagsak na ng tuluyan sa plato ang mga kubyertos na hawak niya. “Malaki 'to, Ms. Virgin. Huwag mo akong hahamunin at baka ipakita ko 'to sa iyo ngayon din.” “Ew!” agad kong sabi. “Ito talaga ang usapan natin sa harap ng pagkain?” Hindi siya nakaimik at tinitigan pa ako ng masama bago niya muling itinutok ang buong atensyon sa pagkain. Tahimik naming natapos ang dinner namin. Buti naman at hindi na rin niya muli pang binuksan ang topic patungkol sa kiss namin kanina, sa pagiging fuckboy niya at sa kung gaano kalaki at kahaba ang alaga niya. Baka nakakalimutan niyang babae pa rin ako at hindi ako komportable sa ganoong usapan. O baka naman akala niya komportable ako? Napasobra yata ako sa akting. “Pagkatapos mo d'yan, pumasok ka na agad sa kwarto,” sabi niya pagkatayong-pagkatayo niya matapos kumain. “Ha?” lutang kong tugon. Bakit niya ako papapasukin sa kwarto niya? “Hindi mo 'ko narinig? Do you want me to repeat it?” Agad akong umiling. “Ay, no! Narinig ko naman. Sige, papasok ako agad. Tapusin ko lang 'to,” sabi ko at agad na siyang tinalikuran. Hindi kaya may balak siyang masama sa akin? Imbis na madaliin ang paghuhugas ng pinggan ay mas lalo ko pa 'yong binagalan. Kung pwede lang pahintuin ang paggalaw ng kamay ng orasan ay ginawa ko na. “Bakit ang tagal mong natapos?” salubong niya sa akin pagkapasok ko sa kwarto ko. Alam kong hindi siya bobo kaya sigurado akong nahalata niyang binagalan ko nga ang kilos ko. Sino namang hindi makakahalata sa dalawang pinggan, dalawang baso, kutsara at iilang bowl na hinugasan ko? “Bakit mo 'ko pinapasok dito?” imbis na sagutin siya ay dineretso ko siya ng tanong. “To sleep?” aniya at nagtungo na ulit sa kama. Naupo siya sa dulo niyon at tiningala ako. “Sa sofa na lang ulit ako. Okay naman ako doon.” Tinitigan niya pa ako ng ilang sandali bago siya bumuntonghininga. “Ayaw mo akong katabi?” “Aba siyempre! Bakit naman ako tatabi sa 'yo? Mag syota ba tayo?” “Pwede namang magtabi kahit hindi mag syota ah? Iyong mga naka-one night stand ko hindi ko naman 'yon mga syota pero nagtatabi naman kami.” “Iba 'yon! Hindi mo 'ko ka-one night stand. Maid mo ako. Maid!” sabi ko, tunog nagpapaintindi. “Ayaw mo akong maka-one night stand, Melissa? Why? What's wrong with me?” “What's wrong with you? Alam mo kung ganito lang naman ang trato mo sa akin, titigil na lang ako sa pagiging personal maid mo!” Tatalikod na sana ako at pursigidong aalis na. Pero tila isang kidlat na pumasok sa isip ko ang sitwasyon ni nanay. Kailangan na kailangan ko nga pala ngayon ng pera. “Alam mo ba kung bakit kita kinuha bilang personal maid ko?” Napatingin ako sa kanya. Tumayo siya at nakita ko kung gaano siya kaseryoso habang nakatingin sa akin. “Because I like you,” namamaos ang boses na sabi niya. Sobrang hina na halos hindi ko marinig. Para bang ayaw niyang sabihin at ayaw niyang ipaalam sa akin pero wala siyang choice. “A-ano? Gusto mo ako? Gusto mong ano? Ka-one night stand?” Marahas siyang bumuga ng hangin. “I've always like you. Simula pa no'ng unang tapak ko dito sa Bluestone Hotel...” At kailan naman kaya 'yon? Hindi ko matandaan. Kahit anong hagilap ko ay wala talaga siya sa memorya ko. “And that was two years ago.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD