Napansin ni Adessa na kanina pa walang tao sa pwesto ni Erina. Lumapit siya dito at lumingon sa paligid. She couldn't find Erina. Nakita niya ang halos katabi nitong kasamahan na si Janice na abala sa pag ooperate ng makina.
"Si Erin? Nakita mo? Kanina pa ata siya wala dito." sandaling itinigil ni Janice ang ginagawa at bahagyang lumapit kay Adessa.
"Nakita ko kanina, sinama ni Angge pumunta sa may wine cellar sa basement." nagulat si Adessa sa narinig.
"Ha? Bakit daw?"
"Sabi inutusan daw ni Mam Cathy?" kinutuban na siya ng hindi maganda. Hindi naman nag uutos si Catherine sa kahit sino lalo na sa pagpunta sa basement. That place was strict for production staff. Nagtatakbo siya papunta sa basement para alamin kung nandoon pa sina Angelica o kaya naman si Erina.
Pero walang katao-tao nang makarating siya don. Napansin din niyang nakasarado ang lahat ng pinto.
"Erin! Nandiyan ka ba!" sigaw niya mula sa hallway. Pero wala siyang marinig na ingay. Lalo tuloy siyang kinabahan. She decide to look for Theo, baka kasi mamaya isa sa mga silid na yon naroon si Erin, lalo at naka automated lock ang mga pasilidad doon.
***
"So this was the kind of business you're operating," nakangiting sinabi ni Rosette kay Reigner habang naglilibot sila sa mga warehouse.
"Yes, we export some wines, import them to Italy and some nearby countries." kwento pa ni Reigner habang itinuturo ang mga nagtatrabahong empleyado sa distribution department.
"So, Lexus. Kailan naman kaya tayo magkakaroon ng oras para i-discuss to, I mean in much more private place?" napatingin si Reigner sa dalaga na napakalagkit ng tingin sa kaniya. Bahagya siyang natawa.
"So you want to be one of my plaything?" He knows Rosette have an idea about his fetish. Kaya interesado itong maranasan ang mga ginagawa niya sa ibang babaeng gustong maging laruan niya.
"Maybe? I wanna know how wild you can be.." aniya at aakma sana niyang hawakan si Reigner sa balikat nang mapabalikwas sila sa tumatakbong si Anabeth na pasalubong sa kanila.
Nilagpasan sila nito at tila may hinahanap. Nakita agad iyon ni Reigner.
"Anabeth! Why are you rushing?" nagtataka siya. Lumingon sa kaniya ang dalaga, hindi siguro napansin nasalubong niya ito.
"Um, Sir hinahanap ko po.. si Mam Cathy!" hinihingal pa siya habang nagsasalita.
"Why!" he started to get worried. Something is off.
"Nawawala po si Erin! Baka nandoon siya sa loob ng wine cellar sa basement!" nagulat ang binata sa narinig. He knows that place, alam niya din kung gaanu ito kadelikado para kay Erina.
Mabilis siyang tumakbo at iniwan si Rosette. Sumunod agad sa kaniya si Anabeth para ituro kung saan wine cellar pwede nakulong ang kaibigan niya.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ni Reigner. He knew Erina have claustrophobia, he witnessed it before. Hindi siya nakakahinga at hihimatayin siya kapag nagtagal siya don. Malamig pa naman sa loob ng wine cellar, may oras kasi ang pagbabago ng thermostat. At kapag ganitong oras bumababa ang temperatura non hanggang sa 15 degrees.
Nakarating siya agad sa wine cellar. Nakita niya doon sina Theo at Adessa na pilit binubuksan ang pinto ng isang silid.
"Give me a hammer!" utos niya agad kay Theo na sumunod at kumuha ng martilyo. Balak niyang sirain ang automated lock, alam niya na kapag pinupok niya ito magseset ito ng force entry at magtitrigger ang alarm kaya magbubukas ang mga pinto. Pagkabigay sa kaniya ni Theo ng martilyo ay buong lakas niyang pinupok ang pinto ganundin ang maliit na panel kung saan nakalagay ang salitang LOCK. Ilan beses niyang pinukpok ang pinto at halos nagkaroon ng yupi ang mga bakal dito. Nagbago ang salitang nakalagay sa panel, nagpula ito at lumabas ang salitang FORCE ENTRY kaya nagset ng ang alarm sa buong basement, kusang nagbukas lahat ng pinto. Naglikha ito ng malakas na ingay dahil sa alarm, kusa din bumukas ang mga smoke alarm.
Maliit palang ang puwang ng pinto ay pumasok agad sa loob si Reigner.
"Erin! Where are you!" sigaw niya dahil wala siyang makita. Madilim sa loob at hindi rin magbubukas ang mga ilaw dahil sa alarma. Kinuha niya ang phone sa bulsa at binuksan ang flashlight. Umikot siya sa buong paligid at laking gulat niya nang makita itong nakaupo, yakap ang mga tuhod dahil sa lamig.
"Erin!" mabilis niya itong nilapitan. Hinawakan agad niya ito samukha. Napakalamig niya. "Erin, Erin.. " tinapik niya ang pisngi nito.
"Reigner.." may malay pa siya dahil nasambit pa nito ang pangalan niya. "Dumating ka, salamat naman.." aniya at yumakap sa binata. Nakaramdam ng inis si Reigner sa sarili, he is always late.
Kung hindi agad niya nalaman ito baka kung ano na ang mangyari kay Erina sa loob ng cellar. Lalo na at nangako siya sa dalaga na pananatilihin niya itong ligtas.
Hinubad niya ang suot na coat at ibinalot sa dalaga. Hinaplos niya ang mukha nito at dahan dahan hinalikan sa noo. Nanginginig ito dahil sa lamig kaya hinigpitan niya ang yakap dito. Binuhat niya si Erina hanggang sa makalabas sila ng cellar. Nakita sila nina Anabeth at Theo. Sakto naman ang pagdating ni Catherine na humahangos.
"Sir, what happened!" nakita niya si Erina na buhat buhat ni Reigner at tila wala ng malay.
"Find who did this to her and the fired them now." galit na sinabi ni Reigner kay Catherine.
"Yes po Sir." sagot lang niya at lumingon sa mga nanonood na empleyado. Napailing nalang siya dahil sa nangyari. Bullying should stopped here lalo at may napahamak na.
***
Dinala ni Reigner si Erina sa company clinic. Naka confine muna ang dalaga dahil nawalan siya ng malay. Nagkaroon din siya ng overall check up regarding sa vital signs niya dahil sa sobrang lamig.
Nanatiling nakaupo si Reigner sa tabi ni Erina habang nakahiga ito. Hawak niya ang kamay nito habang hinihintay siya na magising. Maya maya pumasok sa loob ng silid si Catherine, may dala itong folder sa dibdib niya.
"Did you find them?" hindi siya tinitignan ni Reigner.
"Yes po, 2 women. Angelica and Micaela. I already fired them, Sir." pagrereport niya sa binata.
"Tsk, don't let them get a new job.Make them black listed from all the companies here." nagulat si Catherine sa sinabi nito but she's expecting this. Ganito umaksyon si Reigner sa mga ganitong bagay kaya hindi talaga magandang ginagalit siya.
"Yes po Sir. How about Erin? Okay na ba siya?" umiling ang binata.
"Let her rest. Iuuwi ko na siya sa kanila after she wake up. Bukas mo na siya papasukin." mahigpit na bilin nito. Tumango lang si Catherine at lumabas na ng silid.
"I'm sorry Erin.." aniya habang hawak ang nga kamay nito.
***
Lumipas ang isang oras at naramdaman ni Erina ang bigat ng katawan. Pagmulat niya ng mga mata nakita niya ang ilaw ng clinic. She remember what happened, nakulong siya sa wine cellar at akala niya wala ng makakahanap sa kaniya.
But Reigner came.
Dahan dahan siyang lumingon sa gilid niya. Nakita niya ang binata na nakaidlip sa pagbabantay sa kaniya. Hubad ang suot nitong trench coat at nakasampay sa upuan, bukas ang ilan butones ng suot niyang long sleeve na kulay peach. He looks worn out. Nag-alala din siya ng husto.
Bumangon siya sa pagkakahiga. At lumapit kay Reigner na natutulog. Pero bago man siya makababa sa higaan ay nagising ang binata.
"Hey, dont move. Okay kana ba?" mabilis itong tumayo at inalalayan siya. Hinawakan siya nito sa braso para makaupo ng maayos.
"Okay na ako. Salamat.." matipid niyang sagot dito. "Sorry kung pinag-alala kita..nagtiwala ako sa kanila, akala ko kasi.." hindi maituloy ni Erina ang sasabihin. Naiinis siya sa sarili dahil nagpaloko siya sa mga taong tulad nina Angelica. Ang gusto lang naman niya ay magtrabaho at ibalik ang pabor kay Reigner. Pero ngayon gumawa pa ito ng gulo at nadawit nanaman ang binata.
"Hey, wala kang kasalanan. You are in my company, you are my responsibility.." sabi pa nito at agad hinawakan ang kamay ng dalaga.
"Hayaan mo, hindi na to mauulit Reigner. Mas mag-iingat na ako ng husto." bitaw ni Erina at tumingin sa mga mata ng binata. Tumango lang si Reigner at ngumiti.
"Okay.."
***
Alas-singko inihatid ni Reigner si Erina papauwi sa bahay nito. Okay na siya kaya babalik na siya sa duty niya bukas pero mapilit ang binata na ihatid siya nito hanggang sa bahay. Dahan dahan binuksan ni Erina ang pinto ng bahay. Nasa likod lang niya ang binata naghihintay ng susunod niyang gawin.
Ayaw niyang papuntahin si Reigner sa bahay niya, bukod sa nahihiya siya dito ay yon pagkakataon na silang dalawa lang ang maiiwan sa loob.
She's not used to this kind of feeling. Parang hinihila ang puso niya sa loob ng dibdib niya sa tuwing sila lang ni Reigner ang magkasama.
"Pasok ka muna, gusto mo ba magkape?" tanong niya pagkababa ng bag niya sa upuan. Humila ng isang silya si Reigner at naupo siya sa harapan ng mesa. Palingap lingap siya sa paligid ng tinutuluyan ng dalaga. Maliit ang apartment, may isang silid, kusina at sala. Kasya lang sa iisang tao.
"Oo, tulad sa kape na tinitimpla mo noon." anito ng binata at tumingin sa dalaga. Iniwas ni Erina ang tingin. Hindi siya pwedeng mahulog sa bitag nito.
Dahan dahan siyang kumuha ng takure para magpainit ng tubig. Nagsalin siya sa isang tasa ng kape at asukal saka konting creamer na alam niyang gusto ni Reigner.
"Erin.." hindi niya narinig ang pagsambit ng binata sa pangalan niya. Nanatili siyang nakatalikod dito at abala sa paghihintay na uminit ang tubig.
"Erin." napabalikwas nalang siya nang naramdaman ang pagdikit ng katawan ni Reigner sa likod niya. She felt the warmth of his breath down to her spine giving her chills.
"B-Bakit?.." hindi siya natitinag sa kinatatayuan.
"I'm sorry for not returning back." naririnig nito mula sa malalim na tinig ng binata. Naramdaman niyang isinandal nito ang ulo sa balikat niya.
"O-okay lang.. Nauunawaan ko naman Reigner kaya hindi ka dapat magsorry." nanginginig na ang boses niya. Gusto niyang makawala sa pagkakakulong niya sa bisig ni Reigner pero hindi niya alam papaano gagawin yon.
"I loved you Erin.." tila natuluyan nang manuyo ang lalamunan ni Erina nang marinig iyon. Malinaw na malinaw ang narinig niya. Dahil halos ibinulong lang ito sa tenga niya.
"H-ha.." walang siyang masabi dahil hindi niya alam na sasabihin ito sa kaniya ni Reigner. It was almost fifteen years..
Madami na ang nagbago. Pati siya ay nalilito kung may pagmamahal pa ba siya sa binata.
"Erin, can you accept me again?" parang nagmamakaawa ang tono ng pagsasalita nito. Kasunod non ay pagyakap sa beywang niya.
"Reigner.." nasambit niya ang pangalan nito.
Dahan dahan hinawakan ng binata ang pisngi niya at inilapat dito ang mga labi niya. Nanlaki ang mga mata ni Erina, at hindi agad siya nakapagpigil. She was caught by the kiss.
Lalo pa siyang nakaramdam ng pagkataranta dahil ito ang unang beses na hinalikan siya.
It's her first!
Uminit ang pakiramdam niya ng maramdaman ang paglalim ng halik ni Reigner. He moved inside her lips with his tongue. Hindi na siya makahinga, parang anuman oras may lalabas na tinig sa lalamunan niya na ayaw niya.
She felt nervous when Reigner started to move his hand down to her neck and her breast. Pinipisil nito ang mga balikat niya at hanggang sa naramdamn na niyang binubuksan nito ang butones ng suot niyang polo.
Napapikit siya sa ginagawa na iyon. Its like Reigner knew what he does. Kung hindi pa ito titigil ay baka kung ano na ang isuko niya.
She's still not ready!
Nagulat ang dalawa nang marinig ang pagtunog ng cellphone ni Reigner at ang takure na nakasalang sa kalan. Sabay pa itong nag-ingay at walang titigil kung hindi sila titigil sa ginagawa.
"Tsk, istorbo." narinig niya na inis itong bumulong at napilitang kunin ang cellphone sa mesa. Nagpakawala ng malalim na paghinga si Erina nang bitawan siya ni Reigner. Akala niya hindi na ito titigil.
Thank you Lord.
Sambit niya sa sarili at pinatay ang kalan.
"What!" pasigaw itong sumagot sa telepono. Nanginginig ang kamay niya habang hinahalo ang kape. Malinaw na sa kaniya ang sinabi nito.
Reigner loved her. Gusto niyang tumili. Gusto niyang magtatalon sa saya. Ibig sabihin may bunga ang paghihintay niya sa binata.
Dinala niya ang dalawang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa. Tinitignan lang niya si Reigner habang may kausap ito sa telepono. Pahapyaw nyang hinawakan ang labi niya. She's still feel the moist of Reigner's soft lips.
Hindi nya na gugustuhin mag toothbrush.
"Sorry for that interruption. It was Lloyd." sambit nito at naupo. First time niya narinig ang pangalan na yon.
"Lloyd?"
"He's a friend of mine. He also works for me. Makikilala mo din siya soon." aniya at kinuha ang tasa na may umuusok na kape. Hinalo niya ito at dahan dahan tinikman.
"It taste like you, sweeter.." para nanaman kukunin ng langit si Erina sa sinabi nito.
"Baliw ka." sabi niya at napatakip sa bibig.
Bakit ko yon sinabi sa boss ko!
Natawa si Reigner at tumayo muli sa kinauupuan. Nilapitan niya ang dalaga.
"Its true Erin, I will go all out with you.Just say yes.." he said with a teasing tone. Napalunok ang dalaga.
"Y-Yes.." sagot niya.
***