A Broken Soul

2172 Words

Bakit ba ayaw mong sabihin kung nasaan ka ngayon?” May halong inis na ang tinig ni Misty habang kausap ni Talitha sa cell phone. Ang totoo ay kanina pa tumatawag sa kanya ang nakatatandang kapatid. Sinagot lang niya ito nang makauwi na siya sa tinutuluyang boarding house. “Does it matter kung hindi man ako umuuwi ng bahay?” matabang na sabi niya. Nakahiga siya ngayon sa kama niya. Sa pagod niya ay ni hindi na niya nakuhang magpalit muna ng damit. Straight ang klase niya sa buong maghapon at kinse minutos din ang biyahe niya sa tricycle pauwi ng boarding house. Bumili lang siya ng lutong ulam at kanin sa nadaanang karinderya. Mamaya na lang siya kakain kapag nakapgpahinga na siya. “Of course, it matters. Kung iyong tutang nawawala, hinahanap, tao pa kaya?” Her sister grew impatient

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD