Sa tulong ni Ernest ay agad natukoy ni Talitha ang mamahaling apartment na tinutuluyan ni Enzo. Bago kumatok sa pinto ay pinadaan muna niya ang mga mata sa marangyang itsura ng tinutuluyan ng binata. Lalo tuloy nadagdagan ang pagiging misteryoso nito sa kanya. The same question played in her mind again. Guwapo at mayaman, pero bakit pumapasok sa isang mumurahing kolehiyo na nasa isang liblib na bayan? Pero wala siyang panahon para patuloy na magtaka sa totoong pagkatao ng binata. Narito siya ngayon para sa isang matinding komprontasyon. Sunod-sunod at malalakas na katok sa pinto ang agad na ginawa niya. Enzo’s eyes opened wide as he gaped at her at the door of his apartment. “It’s a surprise seeing you here, signorina,” hindi makapaniwalang sabi ng lalaki. Mukhang bagong ligo ang lal

