1:

1306 Words
1: Change Candice's POV "Na-enrolled na nga pala kita through online sa Deaton Hills High School. Maganda roon at may kakilala ako kaya kampante ako dahil may titingin sa 'yo roon. Ang sabi niya ay mababait naman ang mga estudyante roon kaya hindi ko kailangang mag-alala sa iyo, at hindi mo rin kailangang matakot." Nakasandal lang ang ulo ko sa bintana ng sasakyan at nakatingin sa kalangitan. Kanina pa nagsasalita si Ate Sam habang nagmamaneho, pero wala akong imik at tahimik lang na nakikinig sa kaniya. What should she expect? Ang dapat ngayon ay nasa bahay ako at nagmumukmok, nagluluksa dahil sa kamamatay lang ng mga magulang ko. Isang linggo pa lang ang nakalilipas nang mailibing sila. Damang-dama ko pa ang sakit ng katawan at ang mga sariwa ko pang sugat na nakuha mula sa aksidente. But here I am, on my way to a new town where everyone's telling me that is good place to start a new life. Great! Nakaburol pa ang mga magulang ko nang sabihin nila sa akin na isasama ako ni Ate Sam, ang pinsan ko mula kay Papa. Ang sabi nila ay hindi ako puwedeng iwan sa Maynila nang mag-isa, at si Ate Sam lang ang willing na kupkupin ako. Lahat kasi ng natira kong kamag-anak ay may mga sarili nang pamilya, si Ate Sam na lang ang single. Mas matanda siya sa aking ng walong taon kaya puwede ko na siyang, maging guardian. Sa katunayan ay puwede akong tumanggi. May mga naiwan na pera sa bank sina Mama, may sarili rin kaming bahay. Puwede nila akong tulungan para magamit o mahawakan ko legally ang mga naiwan na pera ng magulang ko. Bago pa maubos iyon ay eighteen na ako at puwede nang magtrabaho, tatlong buwan na lang. Kaya ko nang buhayin ang sarili ko kung tutuusin. Pero nagbago ang isip ko nang dumalaw ang ilan sa mga schoolmates, classmates ko sa burol ng magulang ko. Nakita ko kung paano nila ako tingnan. Hindi sila naroon para lang sa simpatya, o dahil may pakialam sila. Naroon sila dahil sa awa, at dahil gusto lang nilang malaman ang nangyari para may mapagkuwentuhan sila. Pero hindi pa iyon ang worst... May ilan sa kanila na hindi ako matingnan, hindi alam kung paano ako kakausapin o haharapin, hanggang sa mapilitan na lang akong sabihin na okay lang ako, nang matigil na iyon, nang malaman na nila kung paano nga ba ako titingnan o aakto sa harap ko. Ayoko ng ganoon, kaya mas minabuti ko nang sumama kay Ate Sam dito sa Bulacan at dito na magpatuloy ng pag-aaral para sa grade 12. Nagsakto na summer nang maaksidente kami ng magulang ko, kaya naman madali akong makakapag-transfer. "Candice, okay ka lang?" Nabalik ang wisyo ko nang hawakan ni Ate Sam ang kamay ko. Doon ko lang namalayan na nakahinto na pala ang sasakyan sa harap ng isang bahay. Hindi iyon kalakihan ngunit hindi rin maliit. May veranda sa harap at walang gate. Iilan lang ang kapitbahay at medyo malalayo rin sa isa't isa. Kung gusto mong mapalayo sa ibang tao at tahimik na espasyo, itong lugar na ito ang para sa iyo. "Ito po ang bahay mo?" "Uhuh. Hindi siya kasing ganda o kasing gara ng bahay ninyo sa Maynila, pero magiging komportable ka rito," aniya at ngumiti kasama ang mga mata niya. May lahing Japanese si Ate Sam dahil sa mommy side niya, kaya naman may pagkasingkit siya. Malayo ang mukha naming dalawa dahil doon, hindi tuloy kami mukhang magpinsan. Nauna na akong lumabas ng sasakyan kaysa sa kaniya. Nilibot ko kaagad ang paningin ko. Pinalilibutan ng permuda grass ang mga bahay, tanging sa driveway lang wala. Mapuno rin at mahalaman sa paligid na siyang nagbibigay ng sariwang hangin. Hindi ito kagaya sa Maynila na maganda nga, pero hindi rito mausok at maingay. Imbes na mga busina ng mga sasakyan ay mga hampas ng hangin ang maririnig sa kapaligiran. Nilingon ko siya nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto sa side niya. Nakalabas na siya at nakatingin sa akin, tila inaalam o pinag-aaralan ang reaksyon ko. Gumuhit lang ang labi ko, I'm trying to smile at her, but I'm aware that I failed. Bumagsak ang balikat niya. "Alam kong hindi ka sanay, pero-" "No!" putol ko na kaagad. "Maganda po, Ate Sam. Trust me, wala po kayong dapat ipag-alala." Sinamahan ko iyon ng tango. Tumango siya sa akin at inaya nang kunin ang mga gamit sa likod ng sasakyan. Isang bag lang ang dala niya dahil dalawang linggo lang naman niya kinailangan mag-stay sa Maynila para samahan ako sa hospital at hanggang sa mailibing sina Papa. Dalawang maleta naman ang mga gamit ko at isang hand bag. Ako na sana ang magbubuhat ng mga iyon pero binawal niya ako dahil baka raw bumuka ang tahi ko sa tagiliran. Kaya naman isang maleta na hinihila lang ang dala ko at siya na ang may bitbit ng iba pa. "Doon ka muna sa kuwarto ko magpahinga, aayusin ko pa ang magiging kuwarto mo," sabi niya habang binubuksan ang wooden door gamit ang susi niya. Pagkabukas niya ng lock ay ako na ang pinauna niya kaya ako na ang nagbukas ng pinto. "Welcome back Ate Sam... At Candice?" Napahawak ako sa may dibdib ko nang halos mapasigaw ako sa gulat dahil sa pagputok ng confetti pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, kasama pa ang sigaw ng isang batang babae na siguro ay nasa sampung taong gulang, at isang lalaki na mukhang mas malaki lang sa akin ng kaunti pero mukhang kaedad ko lang. Kumurap-kurap siya sa gulat at umawang ang labi. Nagbukas sara ang labi niya na tila hindi alam ang sasabihin o magiging reaksyon. Pumasok sa may likuran ko si Ate Sam at lumapit sa dalawang may hawak na banner na may nakasulat na 'Welcome back, with a heart emojis. "Dylan! Nina! Anong ginagawa ninyo?!" tanong ngunit nasa pasitang tono si Ate Sam nang kausapin niya ang dalawa. Halos hangin lang din ito na para bang nais lang iyon ibulong, as if hindi ko naririnig. "Niwe-welcome back ka po, ang tagal ninyo pong wala, e," sagot ng batang babaeng tinawag ni Ate Sam ng Nina. Kumamot sa may ulo si Dylan. "Sorry, kulang. Hindi po namin alam na kasama ninyo si Candice." Tumingin siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. "Pero may solusyon diyan, sandali." Muli akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya. Nakita kong kumuha siya ng marker at isinulat ang pangalan ko sa ibaba ng pangalan ni Ate Sam sa baloon na nakatayo sa gilid ng banner nila. Matapos ay proud siyang tumingin at ngumiti sa akin. Nanatili lang akong walang reaksyon. "Welcome, Candice." Napailing na lang ako at bumaling kay Ate Sam na mukhang namomroblema kina Dylan. "Saan po 'yong kuwarto ninyo? Magpapahinga po muna ako." Tumango si Ate Sam at tinuro ang isang pinto. Kinuha ko lang ang handbag ko at naglakad na patungo roon. Ngunit nagulat ako nang harangin ako ni Dylan, kaya walang ganang tiningnan ko lang siya. "Sorry, hindi ko alam na darating ka, pero welcome ka rin! Naghanda ako ng fried chicken at spaghetti, baka gusto mong kumain?" Tumaas ang dalawang kilay niya, proud. Hindi ako nagsalita at tutuloy lang sana, pero hinarang niya uli ako. "Ako ito, si Dylan. Hindi mo ba ako naaalala? Childhood friend mo, si Nunal? Tingnan mo," aniya at iniharap sa akin ang may panga niya at ang kaniyang pisngi malapit sa tainga. "Nandito pa rin iyong nunal ko, nadagdagan pa." Hindi ko na siya napigilang ikutan ng mga mata ko. "'Wag ka ngang insensitive! Aayain mo akong mag-party after what happened to me?" hindi ko makapaniwalang sabi at nanunuya siyang tiningnan. "At hindi kita maalala." I lied. Kilala ko si Dylan, natatandaan ko siya. He was my best friend when we were child... But everything's changed now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD