♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Chapter One Hundred Fifteen ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Daria's P.O.V. Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain. Nandito din ngayon si Zach. Himala nga at sumama ang isang ito ngayon. Parang mag kakaiba din sa kan'ya ngayon pati na rin kay Yura. Normal naman nang laging nakadikit si Yura kay Zach pero iba ngayon. Hindi s'ya inaawat at nilalayuan ni Zach. Pinapabayaan lang s'ya nito. "Nabalitaan n'yo ba yung nangyari sa mga police?" tanong ni Ryker habang umiinom ito ng wine. "Hindi pa. Bakit?" nakakunot noo kong tanong. "Natagpuan ang bangkay ng apat na pulis sa abandonadong lugar," seryosong sabi ni Ryker at nilapag ang glass wine. "Bali ang magkabilang siko ng isang pulis habang ang isa naman ay may hiwa sa leeg. Ang dalawa pa

