︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Chapter One Hundred Ten ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Gabriel's P.O.V. Friday na at nandito kami ngayon ni Yura sa music room. Tatlong araw nang hindi pumapasok si Allison at limang araw naman si Zach. Bukas na ng gabi gaganapin ang band war. "Gabriel, I think we should give up," sabi ni Yura at umupo sa sulok. "Zach and Allison isn't here. We can't compete sa band war nang dalawa lang tayo. You know it, right?" Napayuko ako at napabuntong hininga. "Okay, fine. We'll wait for them. But I don't want to waste my time too much. I'll give them 1 hour and 30 minutes. Pag hindi pa rin sila nakapunta dito, then it's been decided," sabi ni Yura at tumayo. Tinignan ko s'ya a nakita kong naawa ito sa akin kaya siguro pinagbibigyan n'ya ako ngayon. Hi

