♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ Chapter One Hundred Five ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Clariffaye's P.O.V. Agad kong sinangga ang espada ng isang Kiruwa na katapat ko. Naalerto ako nang makitang may isa pangpapalapit sa akin. Tinaas nito ang espada n'ya at susugod sa akin. Agad naman akong gumawa ng isa pang kulay gintong espada sa kanang kamay at isinangga ito. Nakita ko si Saracley na seryosong nakikipaglaban din. Kulay puti ang espada n'ya na manipis. Kahit manipis ito ay matibay ito at sobrang talas. "Yaahh!" agad kong tinulak ang dalawang Kiruwa na ito. Nilakasan ko ang force ko at napaatras naman sila. Nang makitang pasugod na ang dalawang ito ay agad kong sinway ang espada ko sa kanilang mga tyan. Napasigaw sila sa sakit at tumalsik ang itim nilang dugo sa aking damit. Pagkabagsak nila ay

