Naiinis akong tumili nang malakas! Agad namang nagkumahog sa pag-uunahan sa pagpasok ng silid namin sina Zach at Xander. "Baby, what's wrong?" "May masakit ba sayo?" Panabay nilang tanong habang masusing pinag-aralan ang kabuuan ko. Lalo akong nainis sa ginawa nila. "Don't look at me!!" umiiyak kong sigaw. " Hey, hey...baby, don't cry. Tell me what's wrong," masuyong alo sakin ni Zach at maingat akong niyakap upang mabigyang lugar ang malaki kong tiyan. Sa bilis na lumipas ng panahon ay sa wakas seven months na iyong dinadala ko. We're having twins! Iyon ang lumabas na resulta sa ultrasound. Isang babae at isang lalaki ang magiging anak namin. Marami kaming mga naisip na pangalan pero wala pa kaming napagkasunduang ipapangalan. Pero hindi ang magiging pangalan ng kambal namin

