Ilang araw na ang lumipas mula noong kinasal ako sa dalawa kong naggugwapohang mga asawa. Halos naisaayos narin ang mga dinanas na problema ng mga kompanya ng mga Carson sa tulong narin ng pamilya ko. Ang nakapagtataka lang ay lumabas sa imbestigasyon na galing sa Z Tower ang tumawag ng bomb squad dahil diumano sa isang bomb threat sa Carson Hotel. Ang Z Tower ay pinapatakbo ni Zach at hiwalay ang management nito sa CH na si Daddy ang may hawak. Under investigation ang lahat ng mga empleyado sa Z-Tower na nakaduty sa mga oras na iyon. Nahagip din sa isa sa mga cctv ng hotel ang isang nakahood na di mawari kung guest ba o empleyado dahil may takip amg mukha nito na siyang pumindot ng alarm at ilang seconds lang iyon bago natanggap ng bomb squad ang tawag. Halatang sinadya ang mga nang

