chapter 18

2530 Words

Tatlong sasakyan ang gamit namin papunta sa sinasabing restaurant ni Micah. Magkakasama parin sina Mama, Mica at Julie sa sasakyang gamit namin papunta kanina sa bahay na kinalakihan ko at ako naman ay kina kuya Xander at kuya Zach sumabay.. As if naman papayagan nila akong sa iba sumabay. Nasa iisang sasakyan naman si Daddy at Mommy kasama si Carina. Kina Kuya Xander pa sana gustong sumabay ni Carina pero tumanggi si Kuya Zach sa kadahilanang kakailanganin ko daw ng malaking space dahil nga may sprain ako sa paa. Iyon ang pinalabas niya kanina na dahilan kung bakit lumabas kami ng bahay na karga-karga ako ni Kuya Xander. Natapilok daw ako at nagka-sprain sa paa. Di ko alam kung paanong napaniwala niya ang lahat sa kasinungaliang iyon! Nag-alala naman bigla sakin sina Mama at Mommy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD