chapter 9

1566 Words

Kinaumagahan ay inihanda ko na ang sarili sa nakatakdang muling pagkikita namin ni Carina. Tulad ng inaasahan, papalapit palang ako sa hapag kainan ay naririnig ko na ang mga nagkakasayahan sa loob. Nangingibabaw ang matamis na tawa ni Carina sa lahat na animo'y pagmamay-ari ng napakainosenteng babae na di kayang manakit, kabaliktaran ng tunay niyang kulay pag ako ang kaharap. Pero nasayang lahat ng paghahanda ko nang mabungaran ko ang pamilya ko na giliw na giliw habang pinapakinggan ang mga kwento ni Carina habang kumakain ng breakfast. Mukhang plano niya yatang pumalit sa lugar ko sa bahay na ito kasi maski iyong upuang nakalaan para sakin ay siyang inuupuan niya ngayon. Tahimik nalang sana akong aalis nang mahagip ako ng paningin ni Mommy. "Good morning baby. Guess who's back?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD