Nanatili ako sa ospital hanggang umaga para may kasama si Ate sa ospital. Ako nalang kasi 'yung pwedeng maiwan kasama si Ate. Kailangan kasing umuwi ni Mommy dahil kay Daddy tapos si Kuya Lester ngayong umaga lang dumating.
Nang dumating na si Kuya, umalis na din ako para makapag bonding sila at para narin makapaghanda na ako sa trabaho. Excited ako makita ulit si baby Michelle!
My work OOTD is just a simple white crop top and high-waisted denim shorts. I wore a denim jacket on top of my crop top too para hindi masyadong revealing. Tita and Tito told me that I could wear anything I want to work so I chose this since it's summer and it's surely hot to work. I mean, yes, the Salvatore's mansion is air-conditioned but I just want to wear clothes I'm comfortable with.
Another reason why I chose this outfit is that Michelle and I will be going to the mall. Tita and Tito gave me a schedule of what I'll do with baby Michelle and this day is Mall day.
It's almost 6 am when I went out the house. Kailangan 'kong pumunta sa mansion ng maaga dahil 7 am daw gumigising si baby Michelle. And you know, Michelle doesn't like to wake up all alone.
"My, alis na po ako! Baka gabihin po ako dahil wala si Tita at Tito." Sigaw ko ng makalabas na ako ng gate. Nakita kong sumilip sa may pintuan si Mommy kaya kinawayan ko ito.
"Mag-ingat ka sa daan! Tanga ka pa naman, sa daan man o sa pag-ibig." Mapang-asar na sabi ni Mommy bago nag peace sign sakin at bumalik na agad sa loob bago ko pa siya mabigayn ng ultimate death-glare ko. Pangit niya din kabonding minsan. Sarap itapon sa ilog. Joke lang po.
Hindi ko alam kung bakit pero parang feeling ko nagkatotoo 'yung sinabi ni Mommy sakin kanina. Muntik na akong masagasaan! And guess sino muntik nang makasagasa sakin?
Ang bago 'kong crush! Nakakaiyak! Kapag talaga sinagasaan niya talaga ako, luluhod talaga ako sa harapan niya at magpasalamat. Pero alam niyo namang joke lang. Walang crush crush kapag buhay na ang pinag-uusapan.
Agad na huminto si Kuya Dashiel at agad-agad na pumunta sa kinaroroonan ko.
"Are you alright, Miss?" He asked nervously.
Bakit ganun? Kahit kinakabahan siya, nabibighani parin ako sa kagwapuhan niya?
Kumurap ako at lumunok bago magsalita. "O-okay lang po, K-kuya. M-muntik lang naman 'yon." Sabi ko sabay ngiti.
He looked at my body searching for bruises before looking at me in the eye. "I'm really sorry, Miss.I was in a hurry and I didn't see you here earlier. If only I had been careful enough." Sinabi niya ng pabulong ang huling sinabi niya.
"O-okay lang po talaga, Kuya. May kasalanan din naman po ako dahil hindi ako nagbabantay sa paligid ko." I said and smiled. "Uh, una na po ako." Sabi ko at kumaway sakanya. Baka gising na si Michelle bago pa ako dumating doon dahil sa pagiging maharot ko.
"Take care, miss. And eyes on the road." He said and smiled. I nodded and smiled too before heading my way to the mansion.
OMG. OMG. OMG. OMG.
I've been smiling like crazy habang naglalakad ako papunta sa mansion until I reached the gate.
"Good morning, Kuya guard!" I greeted with glee. Sobrang energetic ko lang ngayon! It's a bit ironic, though. I was almost hit by a motorcycle yet here I am, so happy like I just passed the exams. Hays.
Ngumiti sakin si Kuya guard at pinagbuksan ako ng gate. "Good morning din, Miss! Pumasok na po kayo." Sabi nito it iginaya ako papunta sa loob.
Tumango na ako at nagpasalamat bago pumasok ng tuluyan sa loob.
Naglakad muna ako for one minute bago makapunta sa main door ng mansion nila at pumasok na. Hindi ko kasi nakita sa may pintuan si Manang Lucy kaya pumasok nalang ako.
Nang makapasok ako, nadatnan ko si Manang Lucy sa may kusina. Mukhang abala siya sa kung ano kaya sumilip ako doon at ganon nalang ang gulat ko ng makita na nandoon pa si Tita at Tito sa hapag, kumakain habang kasabay nila si Kuya Dashiel.
"Oh, nandito na pala si Zani!" Sabi ni Manang Lucy sa mag-asawa at kay Kuya Dashiel.
Agad nanlaki ang mata ko at dali-daling ngumiti. "G-good morning, Tito, Tita. Good morning po, K-kuya."
"Good morning, hija!" Sabi ni Tita Mathi sabay tayo at pumunta sakin para bumeso. "Siguro shock ka dahil nandito parin kami? Well, paalis palang kami at ihahatid kami ni Dashiel sa airport." Nakangiting ani ni Tita.
Nalilito kong tiningnan si Tita. Bakit naman si Kuya Dashiel ang maghahatid sakanya, eh nandito naman si Avi? "Hindi pala si Avi ang maghahatid sainyo, Tita?"
Umiling si Tita. "Matagal 'yon nagigising! Ayaw na namin abalahin ang tulog niya at magpapahatid nalang kami dito kay Dashiel." Umupo na ulit si Tita at bumaling muli sakin matapos umupo. "Halika, hija. Sabayan mo na kami." Sabi niya.
"Ay, salamat po pero tapos na kasi akong kumain. Pupuntahan ko nalang po si Michelle sa kwarto niya." Ngumiti muna ako bago umalis. Narinig 'kong may sinabi si Tita Mathi kay Dashiel na ako daw 'yong bagong babysitter ni Michelle.
Pagkadating ko sa kwarto ni Michelle ay sakto namang kakagising niya lang. Timing na timing kasi kapag hindi ako nakita ni Michelle dito kasama siya, mag-ta-tantrums ang bata.
"Tata Erica!" She greeted and reached her arms for me, waiting for me to carry her.
I carried her at hinagkan ang pisngi nito. Ganito rin ang ginawa niya sakin before giggling.
"How was princess Michelle's sleep?" I said after I pinched her cheeks. She giggled because of that.
"Good!" She answered. She's so adorable!
Pagkatapos namin magkulitan saglit, niligo ko na ang bata para makababa na kami at makakain na siya. Sabi ni Michelle sakin na she wants to have a matchy matchy with me daw kaya hinanapan ko siya ng damit na kagaya sakin sa closet niya. I found an outfit that matches mine perfectly so I let her wear that. After kong bihisan siya, bumaba na kami para kumain.
Papunta na kami sa kusina habang buhat buhat ko si Michelle ng makita kong palabas na ng kusina ang mag-asawa.
Ngayon lang siguro sila natapos kumain.
"Michelle, say bye-bye to Mommy and Daddy." I said at lumapit kami sa mag-asawa. Michelle kissed her parents' cheeks and said bye-bye.
Tita Mathi said some things to Michelle before going out. She was emotional because it's going to be the first time she's going to leave Michelle.
Saktong pag-alis nila ay ang pagbaba naman ni Avi. Bihis na bihis siya, ah? May lakad din siguro 'to mamaya.
Ay, wait. Bakit naka white shirt, denim pants, at denim jacket din si Avi? O my gosh, matchy-matchy na kaming tatlo!
"Good morning, Sir Avi!" I said with a smile on my face. He greeted me back and sat down at the table with us.
"What time are you leaving for the mall?" Tanong niya sa gitna ng pag-kain namin.
Sinubuan ko muna si Michelle bago sumagot. "Pagkatapos namin kumain. Nakahanda na ako ng dadalhing gamit ni Michelle para mamaya kaya ready to go na po kami." I said and busied my self with Michelle. Palagi kasing nagkakadumi ang face niya dahil ang kalat niyang kumain! Baby pa talaga.
Umabot ng 15 minutes bago ako matapos magpakain kay baby Michelle. Nagchichikahan kami ni Avi habang pinapakain ko si Michelle kaya hindi ako na bore. Hindi ko nga alam kung bakit pa niya kami inaantay matapos. Alam niya naman sigurong mabagal kumain si baby Michelle kaya bakit pa siya mag-aantay sa amin? Hmm. I wonder.
"Aalis na po kami, Kuya Avi." I said and took Michelle's little backpack and held her little fingers.
"I'll come with you."
Nagugulat ko itong nilingon. "Sa mall? Eh, mabo-bore kalang po doon." Sabi ko habang nakakunot ang noo.
"I'm not going to get bored, silly. I'm with you and Michelle so it will sure be fun. I can help you take care of my sister." He said while chuckling.
Shet naman, ang gwapo ng halakhak niya. Parang gusto niya atang magka-gusto ulit ako sakanya? Pero nope. Hindi na. Si Kuya Dashiel na gusto ko.
"Okay po. Sasabihan ko nalang po si Manong Roland---"
"I already informed him last night." Si Manong Roland ang driver nila dito at siya sana ang inutusan ni Tita't Tito na ihatid at bantayan kami sa mall mamaya.
Pumasok si Avi sa loob ng bahay nila at kinuha ang carseat ni baby Michelle.
Binuksan niya ang sasakyan para mailagay niya ang carseat para kay Michelle bago niya kami pinapasok. Siya na ang naglagay kay Michelle sa carseat. Pagkatapos niya mapaupo at ma-seatbelt si Michelle, pumasok na ako sa passengers seat at hinahantay na pumasok siya.
"Let's go?" He asked. I nodded.
Habang nasa byahe kami papunta sa mall, nagku-kwentuhan lang kami para hindi boring ang atmosphere.
"Nga pala, Kuya. Wala ka pong date ngayon?" Tanong ko out of curiousity. May date kasi siya palagi kay nag-wo-wonder lang ako kung bakit siya sumama samin.
He chuckled before answering. "I don't and I don't do dates, Eriz."
Kumunot ang noo ko. "Po? Akala ko may date ka kapag Friday?"
"Who told you that?"
"Si Jacob."
Nakita kong umigting ang panga niya ng mabanggit ko ang pangalan ni Jacob.
Hala, magkagalit ba sila? Huhu, sorry Hakob.
"And you believe him?" He asked seriously.
"Bakit naman po ako hindi maniniwala sakanya? Siya lang naman ang kilala kong sobrang close mo." I said. Totoo din naman eh.
He scoffed. "I'm clearly loyal to someone, Eriz. And I only do dates with her. But I haven't asked her for a date which is a shame." He said and sighed.
Ouch, may gusto siya at loyal siya sakanya pero kawawa naman si Kuya Avi. "Tulungan na po kitang kumbinsihin siya para makipag-date sayo, kuya!"
Nilingon niya ako ng may ngiti sa labi at kinagat ito.
Ano ba, Kuya Avi. Stop it, nakakalaglag panty.
"Can you convince yourself, then?"