Bandang 5 pm na ako nakauwi sa bahay namin. Nadatnan ko si Mommy na nagwawalis sa labas ng bahay habang si Dad naman ay nasa pintuan, nakatanaw kay Mommy.
"Magandang hapon, Mommy." I said and kissed her cheeks. I went to Dad after I greeted Mom. "Hi po, Daddy." Hinalikan ko siya sa pisngi niya at nginitian pagkatapos. Ngumiti pabalik si Daddy sakin dahil hindi siya nakakapagsalita dahil sa sakit niya kaya hanggang ngiti nalang siya. Halata na ang wrinkles sa mata ng Daddy ko dahil sa katandaan pero ang gwapo niya parin! Parang mature version lang siya ni Leeno.
Pumasok na ako sa loob ng bahay para makapagbihis bago bumalik sa labas kung nasaan sila Mommy at Daddy.
Lumingon sakin si Mommy at ngumiti bago ipagpatuloy ang pagwawalis. "Kumusta ang trabaho, 'nak? Hindi kaba nila minamaltrato?" Tanong ni Mommy.
"Maayos naman po, My. Ang babait po nila! Sabi sakin ni Tita Mathilda na next week nadaw ako mag start sa paglinis sa bahay, sa week na ito daw pagtuonan ko nalang ng pansin ang bunsong babae nila dahil aalis daw silang dalawa ng asawa niya." I said. Totoo din naman. Aalis ang mag-asawa papunta sa palawan simula bukas dahil pupuntahan nila ang negosyo nila doon. Isang linggo din sila doon kaya baka sa mansion na muna ako sa buong linggo para matutukan ng pansin si Michelle. Hindi nalang daw nila isasama si Michelle dahil hindi naman daw nag-eenjoy sa ganoon ang bata at dahil nandito naman ako, iiwan nalang nila.
Tumango-tango si Mommy. "Alam mo din ba, My, Pinagawan nila ako ng kwarto sa mansion! Sabi sakin ni Tita Mathilda na baka next week ay tapos na daw ito. Pagkabalik daw nila galing palawan, pupunta daw kami sa mall para bibili ng mga furniture sa kwarto ko!" I said with glee.
Nalaglag ang panga ni Mommy at lumingon sakin na may nanlalaking mata. "Ano kamo?! Pinagawan ka ng kwarto?!" Tumango ako. "Dios miyo, marimar! Baka naman hindi 'yan totoo, 'nak? Baka binobola kalang nila! Impossible! Bakit ka ginawan ng kwarto na ang ginagawa mo lang naman doon ay ang mag-linis at magbantay ng bata?" Nagugulat na tanong nito.
Nagkibit-balikat ako. "I dunno. Pero akin po talaga ang ang kwarto, My. Nakapangalan nga po sakin ang pintuan doon, may sign na nakalagay doon na "Ate Zani's room" tas may mga butterflies pa na design."
"Naku, anak! Ang swerte mo sa mga Salvatore! Noong nagtatrabaho pa ako diyan, hindi naman ako pinagawan ng kwarto pero parang ikaw ang paborita nila dahil pinagawan kapa talaga ng kwarto! Sana all sayo, 'nak! Kaya kung ako sayo, 'wag na 'wag kang magmamaldita sa pamamahay nila dahil baka iyan pa ang magiging dahilan ng pagkakasesante mo." Natatawang sabi ni Mommy sakin.
"Grabe ka naman, My. Hindi naman ako sobrang maldita, 'no. Maldita lang ako sa mga taong maldita din sakin." I said. Totoo naman. Grabe din naman kasi si Mommy. Nilahat na.
Tumawa nalang si Mommy at patuloy na nagwawalis. "'O sya, sunduin mo na si Leeno doon sa kay ate mo. Tumawag sakin si Alaia para ipaalam na nadoon si Leeno, gusto daw gumala kay ate niya kaya napunta doon."
"Sige, po. Ano po gusto niyong ipadala pagkauwi ko?" Tanong ko. Para hindi na lalabas pa si Mommy.
"House and Lot, 'nak. Kaya mo?" Nakangising saad ni Mommy.
"Grabe, My. Same." Sabi ko at nakipag-high five kay Mommy. Siraulo din talaga 'to si Mommy minsan.
Lumabas na ako at naglakad na papunta sa bahay ng ate ko. Hindi naman masyadong malayo ang bahay ng ate kaya nilakad ko nalang. Madadaanan mo ang mansion ng mga Salvatore papunta sa bahay ni ate kaya binati ko si Kuya guard ng makadaan na ako sakanila.
"Hi po, kuya guard!" Nakangiting bati ko.
Nginitian ako pabalik ni kuya guard dahil doon. "Magandang gabi, miss Zani! Papasok ka po?"
"Ay, hindi po! Napadaan lang ako. Pupunta ako sa bahay ng ate." Ngumiti ako pagkatapos 'non. "Mauna na ako, kuya!" Sabi ko at kumaway.
Bago pa ako makaalis sa driveway nila, may naaninag akong tao papunta sa kinaroroonan ko.
"Where are you going?" Tanong ni Avi sakin.
Shet, ang gwapo niya talaga. "U-uh, pupunta ako sa bahay ng ate ko. B-bakit?" Naiilang akong ngumiti.
"You want a ride?" He said and showed me his car keys.
Ihahatid niya ako? Hala! Nakakahiya!
"I'm going to Jacob's house. You know him?" Tumango ako. Bestfriend niya sa Jacob at malapit lang ang bahay ni Jacob at ni Ate. "Let's go now." He said and went to his car.
Makakasakay ako sa sasakyan ni Avi!
Nakita 'kong palabas na ng gate ang sasakyan ni Avi kaya lumapit na ako dito ng makitang tinawag na ako ni Avi. "Get in."
Umupo ako sa passengers seat. Pagkaupo ko ay pinatakbo na ni Avi ang sasakyan.
Teka, parang may naiisip ako. What if mag-co-confess ako sakanya ngayon?
Sige nga!
"Uhh, sir. May sasabihin po ako hehe." Ngumiti ako ng sobrang cute dahil sa sinabi ko. Nilingon niya ako saglit dahil doon. "What is it?"
"Sir, crush po kita." Humagikhik ako dahil doon.
He looked at me and chuckled. "Is that so?" Tumango ako. "Crush lang naman po, Sir. Ayoko 'pong ma-inlove sayo sir dahil baka masaktan lang ako. Ayoko sa love-love na 'yan kasi." He looked at me and smiled a bit, but I can see an unknown emotion in his eyes.
"That's good. You should not love me because I only treat you as my little sister." He said and smiled.
Is he... sad? No, no. I'll stop assuming.
Nagchikahan kami saglit bago dumating sa bahay ng ate ko.
"Sir, salamat sa paghatid!" I said and waved my hands at him. He waved back too and parked his car near ate's house, nandyan na kasi ang bahay ni Jacob.
Nakita ko si Jacob sa harap ng bahay nila ate kaya binati ko ito.
"Hi, Hakob!" I said smiling. He greeted me back with a fist bump too, as always.
Medyo close kasi kami nito ni Jacob. Alam niya din na crush ko si Avi.
"Alam mo ba, Hakob, umamin na ako kay Avi sa sasakyan kanina." Bulong ko. Nanlaki ang mata niya at tumawa.
"Anong sabi niya? Basted kaba?" Tawa parin siya ng tawa ng sabihin niya 'yon kaya pinalo ko na siya at ngumuso. "Oo, basted ako." Tumawa pa siya lalo dahil doon kaya hinampas ko ulit siya.
"Pero okay lang naman na binasted niya ako. Crush ko lang naman siya at tsaka, may nagustuhan na akong bago sa school." Sabi ko sabay hagikhik. Totoo din naman. Like ko 'yung classmate nila Avi noon. His name is Dashiel Alcazar. I also heard he is Avi's 1st degree cousin, mom's side. Magkapatid ang Mommy ni Avi at Daddy ni Dashiel.
Nanlaki ang mga mata ni Jacob dahil sa sinabi ko. "Huh? Akala ko ba Avi for life kana?"
"Eh kasi, ang sungit sungit niya tapos playboy. Ayokong masaktan dahil sa ibang babae, 'no. Tsaka, plus points sakin si Kuya Dashiel dahil hindi siya playboy tapos ang sweet niya pa sakin." Kinikilig na sabi ko.
"Teka, teka. Si Dashiel ang bagong crush mo? Dashiel Alcazar? Pinsan ni Avi?" Tumango ako.
Nakita 'kong parang namutla si Jacob kaya tinanong ko na ito. "Okay kalang ba, Jacob? Namumutla ka."
Mukhang natauhan siya dahil sa sinabi ko. "A-ah. Wala lang 'yung, Zani. Sige, una na 'ko. Pupuntahan ko lang muna si Avi." He said and smiled awkwardly. Nakita 'kong nagmamadali siyang pumunta kay Avi at may sinabi siya rito. Nang narinig ni Avi ag kung ano mang sinabi ni Jacob, umigting ang panga nito at tumingin sakin na may madilim na ekspresyon sa mukha.
Hala? Anong ginawa ko sakanya? Binabackstab ba ako ni Hakob sakanya? Walang hiyang Hakob 'yun. Tingnan lang natin kung anong magagawa ko sa kumag na 'yun kapag magkasama kami ulit. Malilintekan 'yun sakin.