"Elara! Si Sean oh!" biglang sabi ni Dahlia matapos siyang kalabitin. Kumunot ang noo ni Elara. "Sean? Iyong nasa kabilang store?" "Oo! Iyong guwapong staff nila. Tara! Kunwari bibili tayo ng sapatos sa kanila pero titingin lang talaga tayo. Ang guwapo niya kasi talaga! Iyon guwapong puwedeng ipanlaban sa bayaw mong hilaw. Hindi mo mahahalatang katulad lang natin siya dahil iyong itsura niya, mukhang mayaman!" Tumawa ng mahina si Elara. "Marami kasing guwapo at magandang mahirap katulad natin. At may mga mayayamang pangit. Iyong kahit ilang beses pa silang magpaayos ng mukha nila, pangit talaga sila." "Sabagay, tama ka diyan. Sige, ako na lang ang pupunta doon. Susulyapan ko siya at saka kakausapin. Kaunting chika lang naman tapos babalik na ako dito," ani Dahlia sabay ngisi. Naiilin

