"Tangina mo, Everson! Ano ka ba? Bakit mo ginawa iyon? Siguradong magagalit nito si Samuel kapag nalaman niya!" gulat na sambit ni Martin nang sabihin sa kanya ni Everson ang nangyari sa kanila ni Samira. Humugot ng malalim na paghinga si Everson. "Martin, alam mo kung gaano ko kamahal si Samira. Ni minsan hindi siya nawala sa isipan ko. At ngayong nakita ko na siya at may nangyari pa sa amin, parang lalo ko pa siyang minahal. Mas lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Parang ayokong mapunta siya sa iba. Sa akin lang siya, Martin. Kaya minarkahan ko na siya. Minarkahan ko lang ang akin." Marahas na kumamot ang kanyang kaibigan sa ulo bago humawak sa kanyang baba. "Ewan ko sa iyo! Paano naman naging sa iyo si Samira eh matagal nga kayong hindi nagkita! Bahala ka diyan! Labas ako sa magigin

