Kahit hindi si Elara ang nagmaneho, pagod na pagod siya sa byahe. Nasulit nila ng husto ang gala nilang dalawa ni Clifford. Sa ngayon, iisip na lang siya ng paraan kung paano niya sasabihin sa kaniyang ate Cara ang tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Clifford. May kabang bumalot sa kaniyang dibdib sa isiping iyon. Ngunit desidido na siyang panindigan ang pagmamahalan nilang dalawa ni Clifford lalo na't sinagot na niya ang binata. "Ako na diyan. Magpahinga ka na sa kuwarto," sambit ni Clifford na isa-isang ipinapasok ang mga dala nilang gamit sa loob ng bahay. "Ayos lang. Magtulungan na lang tayo para mabilis matapos," sambit ni Elara sabay buhat ng mga dala nilang bag. Napangiti na lamang si Clifford. Kahit pagod na rin siya, ayaw niyang ipahalata iyon sa kaniyang nobya. Kagaya nga ng

