Pinagmasdan ni Samira si Everson na natutulog ng mahimbing sa kanyang kama. Nakarami pa sila kaninang madaling araw kaya naman umaga na, tulog pa rin si Everson. Hindi alam ni Samira sa kanyang sarili kung bakit mas masaya siyang kasama ang binata. Kapag si Samuel ang kasama niya, ayaw niyang nagdidikit ang kanilang mga balat. Naiilang siya. Pero kay Everson, may nangyari pa sa kanila at hindi niya maitatangging nasarapan siya. "Everson... umaga na. May lakad pa ako. May aasikasuhin pa akong business," bulong niya sa binata. Marahang iminulat ni Everson ang kanyang mga mata. Nang makita niya si Samira, hinatak niya ito pahiga sa kama at saka niya kinulong sa kanyang bisig. Natawa naman ang dalaga doon. "Hoy, ano ba? Bumangon ka na diyan dahil aalis na ako!" hiyaw niya. "Hmm... sandali

