"Ano? Sinabi mo talaga iyon kay Samuel?" gulat na wila ni Martin. Mabagal na tumango si Everson. "Oo sinabi ko sa kanya. Naisip ko kasi kung patatagalin ko pa, lalo lang siyang masasaktan ng sobra at aasa na magiging silang dalawa ni Samira. Kaya kaysa naman mahuli niya pa kami at malaman niya pa sa iba, sinabi ko na lang." Napailing na lang si Martin bago pinatunog ang kanyang dila. "Hay naku! Siguradong ito na ang katapusan ng pagkakaibigan ninyong dalawa. Sana naman hindi ako maapektuhan ng away ninyong dalawa. Kasi parehas ko kayong kaibigan. Bakit kasi sa iisang babae pa kayo nagkagusto? Mga buang kayo! Ang dami-daming babae diyan!" "Hindi naman din sinadya ni Samuel na magkagusto kay Samira. Kusang tumibok lang ang puso niya. Kahit ako, hindi ko rin akalain na ganoon kalalim ang m

