SEVENTEEN Risha Humaplos sa aking mukha ang sariwang hangin ngunit hindi nito napawi ang pamumula ng aking pisngi dahil kay Callus. Sa mga nakalipas na araw, walang palya ang maaga niyang pagpunta sa aking silid upang bumati ng magandang araw at hindi matatapos ang gabing hindi niya ako iiwang tulala sa kawalan dala ng mga banat niya. I breathed deeply for the nth time as I watch the stars with him from the roof of his house. Napakaraming bituin ngayon sa langit at napakasarap nitong pagmasdan. Napalunok ako nang tumayo si Callus mula sa kanyang pwesto saka siya naglakad at naupo sa aking likuran. Nagwala na naman ang aking dibdib nang iyakap niya sa aking leeg at balikat ang mga braso niya saka niya dinampian ng halik ang likod ng aking ulo. "What are you thinking, Risha?" He mumbled

