Chapter 26 Let’s be selfish FIVE YEARS AGO Nakarinig ako ng katok sa pintuan ko pero hindi ko pinansin iyon. Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatulala sa kawalan. It’s been three days. And those three days without Greg is pure hell. Nakakulong lang ako dito sa kwarto ko at hindi sumasabay sa pagkain sakanila. Bukod sa ayoko ay wala akong ganang kumain. Palagi akong nandito sa kama ko at babangon lang ako kapag maliligo na. Nag-aalala ako sa iniisip ni Greg ngayon. Baka tumatawag na pala siya o baka tinetext niya ako at naghihintay ng reply. Baka hinahanap na rin niya ako sa school, baka iniisip niya na ayaw ko na sakanya. Ang hirap ng ganito. Gustong-gusto ko siyang kausapin at sabihin sakanya ang lahat ng nangyari pero hindi ko m

