Chapter 9 Cupcake Network FIVE YEARS AGO Biglang huminto ang sasakyan pero nanatili pa rin akong walang imik. I’m drowned in my own thoughts and Keira’s words are echoing through my head. Wait why am I overthinking right now? Gusto ko lang naman si Greg ah. Malay ko ba na cha-challenge lang pala ako sakanya? Ah hindi ko na alam! “What are you still waiting for Keira?” nang marinig ko ang boses ni Greg ay saka lang ako naibalik sa realidad at kitang-kita ko kung paano ako tinititigan ni Keira at tuwang-tuwa siya sa reaksyon ko. “Sandali nag e-enjoy ako. Tingnan mo kasi, mukha siyang tanga,” tumatawang sabi ni Keira habang nakatingin saakin. “Alam mo konti lang ang pasensya ko at sinasabi ko sa’yo malapit na kitang masapak,” I glared at him. Tumawa naman siya binela

