Chapter 23 Understand FIVE YEARS AGO Kanina ay hindi ko na nahabol si Greg dahil nakasalubong ko ‘yung first period teacher namin at sinabi niya na pumasok na daw ako at huwag na raw magpunta sa kung saan-saan. Hindi naman ako nakapalag. No’ng break naman ay sinubukan kong i-text si Greg at hindi na ako kumain, hinanap ko siya sa kung saan-saan pero ang sabi ay may iniutos daw sakanila galing sa office. Hindi ko alam kung na-receive niya ba ‘yong text ko at sinandya niya itong ‘wag pansinin o baka sobrang busy lang talaga siya. Base sa hitsura niya kanina sa parking ay parang galit siya nang makita niya na magkasama kami ni Archer. Gusto ko naman sanang magpaliwanag kaso ay hindi ko siya mahanap. Napa-kagat na lang ako sa labi ko habang naka-tunganga sa bottled mineral water

