Chapter 01

1009 Words
Five months later... Gabriella's POV: "Kuya, sorry talaga. Hindi ko kayang maging maid of honor sa kasal mo. Sorry. May exam kasi kami dito sa mismong araw ng kasal niyo ni Ate Risa. Hindi ko pwedeng bale-walain 'yun. Hindi ako makakaalis sa second year kapag hindi ko tinake 'yun." paliwanag ko. Magka-skyppe kami ni Kuya ngayon. Tumawag ako sa kanya para sabihin 'yan. Nakakainis naman kasi. Bakit sa lahat ng magiging araw ng exam ko, 'yun pang araw ng kasal ni Kuya? Bwisit talaga mga prof dito. Sarap hambalusin ng arnis eh! "Next next week na 'yun, Gab. Bakit ngayon mo lang sinabi? Nasa invitations na ang pangalan mo bilang Maid of Honor. Hindi mo ba alam kung magkano ang isang invitation?" naka-poker face na sabi niya. "Hindi eh. Magkano ba?" pagbibiro ko pa kay Kuya. Inirapan niya naman ako. Nakakatawa talaga 'to. "Ewan ko sayo. Wag ka na ngang umattend! Bye na. Mag logout na ako. Pinapainit mo lang ulo ko." "Wait lang, Kuya!" Napaka arte talaga ng monggoloid na 'to. Kukutusan ko 'to pag-uwi ko ng Pilipinas eh. "Oh, bakit?" masungit niyang tanong. "Basta, ah? Hahabol ako. Hindi man ako makarating sa kasal niyo, on time, pangako ko, Kuya. Dadating ako. Kahit na may jetlag pa ako, pupunta kaagad ako sa simbahan. Kahit na super late na ako, basta. Pupunta ako. Kahit sa reception lang. I love you, Kuya! Pakisabi kay Ate Rissa na mas maganda na ako sa kanya, ah?" paliwanag ko sabay flying kiss. Nakita ko naman sa monitor ng laptop ko na napatawa ko si Kuya. Oh my God. Magkamukha talaga sila ni Tatay. Pareho silang pangit. HAHAHA! "Miss na miss ko na ang kapatid ko. Tatlong taon na tayong hindi nagkikita sa personal, ah? Umuwi ka na." sabi niya ng seryoso. Nawala ang ngiti sa labi ko ng marinig ko 'yun kay Kuya. Ako rin naman eh. Miss na miss ko na sila. Pero paano ako makakauwi sa Pilipinas, kung hindi pa handa ang puso ko na makita sila? Lalong lalo na ang best friend ko? "U-Uuwi naman ako, Kuya. Sa kasal mo, 'di ba? Uuwi naman ako." sabi ko ng nakangiti. 'Yung ngiting. . . Fake? Bumuntong-hininga si Kuya. "Dude. Alam mo at alam ko rin na matapos mong umattend sa kasal, babalik ka d'yan sa Canada. Isang araw ka lang dito. Alam ko 'yun. Hindi mo pa sinasabi sakin, alam ko na 'yun. Kahit naman milya milya ang layo natin sa isa't-isa, kilalang kilala parin kita." seryoso niyang sabi. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Hindi na ako nakapag salita. Nalaman ko nalang, nagpaalam na siya dahil aasikasuhin niya pa 'yung sa invitations. Ipapabago daw niya ang pangalan ng Maid of Honor. Hindi ko alam kung sino ang ipapalit niya sakin. Hindi ko na naitanong. Siguro, pag uusapan pa nila ni Ate Rissa 'yun. Simula din ng makausap ko si Mike sa Skyppe noon, palagi na siyang tumatawag sakin. Sinasagot ko naman. Pero palagi akong naghahanap ng excuse para makaiwas sa kanya. Ayoko pa siyang makausap. Lalo pa't alam ko na hanggang ngayon, malaki parin ang puwang niya sa puso ko. Sa tinagal tagal ng panahon na lumayo ako sa kanya, sa kanila, siya parin talaga. Hanggang ngayon, mahal ko parin ang best friend ko. Naramdaman ko nalang na tumulo na naman ang luha ko kaya mabilis ko itong pinunasan. --x "Girl, exam na natin next week. I'm so nervous. I hate Accounting." sabi ni Angelica Cruz. Classmate ko siya. Tulad ko, Filipino rin siya na nag aaral dito sa Canada. At pareho kami ng kurso na kinukuha. Hindi ba obvious? Classmate nga, 'di ba? "Ang arte mo. Pareho kayo ni Aubrey!" bulyaw ko sa kanya. "Tseh. I'm prettier than her!" sabi niya then flips her hair. Natawa nalang ako. Kitang kita ko talaga sa kanya si Aubrey. Nung ikinwento ko nga siya kay Aubrey, alam mo kung ano ang reaksiyon niya? "What the f**k?!?! Ipinagpalit mo na ba ako, Gabby?! Oh my God! I'm so stressed! No. Of course, not. Hindi mo ako ipagpapalit sa Angelica Cruz na 'yan dahil una sa lahat, mas maganda ako sa kanya. Pangalawa, mas maganda ako sa kanya. At pangatlo, MAS MAGANDA AKO SA KANYA! Kapag nakita ko 'yung Angelica na 'yan, I will definitely grab her damn hair and I will tie it in her neck! I will kill her! Inaagaw niya sakin ang best friend ko? Hmp!" Natawa nga ako after niyang sabihin 'yan dahil umiiyak talaga siya. Nakakamiss lang 'yung babaeng 'yun. "What are you laughing at?" tanong ni Angelica. Napatingin ako sa kanya at lalo akong natawa. "Wait! Don't tell me, you're thinking about the b***h Aubrey? Huh?!" Tuluyan na akong natawa dahil sa itsura ni Angelica. Sorry. I can't stop myself from laughing. Emeghed. English 'yan! HAHAHA! "Hahaha. Sorry na. May hihingin akong favor sayo." sabi ko. "Ayoko. You're comparing me na naman with that b***h eh!" pagtataray niya. "Hahaha. Sorry na. Sama ka sakin sa Philippines after ng Finals. Kasal ng Kuya ko, eh." Para na namang nagliwanag ang mukha ni Angelica after nun. Gusto na niya kasing umuwi sa Pilipinas ulit. Hindi lang siya makahanap ng dahilan para payagan siya. May toyo rin kasi 'to eh. Ginagawang Manila-Quezon City ang Canada at Pilipinas. Ayaw na tuloy siyang payagan ng Daddy niya. "Really?! Sure!" See? Hahaha! --x "Grabe! That Accounting is hitting on my nerves! I f*****g hate that subject!" pagrereklamo ni Angelica habang nakasakay kami sa taxi pauwi. "Hahaha. Oo na. Ako rin naman eh. Sino ba may gusto sa Accounting na 'yun? Bilisan nalang natin kumilos dahil mamayang madaling araw na ang flight natin!" sabi ko. Tumango nalang siya. Ito na. Uuwi na ako. Uuwi na nga ba talaga ako? Syempre, hindi. Hindi ako mag-sstay doon for good. 1-3 days lang. I can't stay there long enough dahil alam ko sa sarili ko, hindi pa ako handa. Kulang ang tatlong taon para maging handa ka sa bagay na ito. Kulang ang tatlong taon, para maging handa ka na makita ang mga tao sa nakaraan mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD