Umuwi na lang ako at kinuha ang biko sa bahay. Nami-miss ko na rin namang mag-stroll gamit itong precious bike ko. Naiinis lang ako kapag naaalala ko si Nikko na nagawang iwan ako ng walang paalam sa hitad niyang best friend. Pag-untugin ko sila, eh. Medyo malayo-layo na ang narating ko sa pagbi-bike nang may bigla akong masagasaan dahil wala sa pagpe-pedal ang focus ko. Buti na lang, nakapag-preno kaagad ako. Bumaba ako sa bike at tinulungan kong tumayo yung lalaking muntikan nang masagasaan. Sayang naman. Magagasgasan yung bike ko kasi paharang-harang siya sa dinaraanan ko. "Ikaw kasi eh. Nakaharang ka sa dinadaanan ko. Muntik na tuloy magasgasan yung bike ko." Sabi ko habang tinutulungan sutang makatayo. Nanlaki pa abg mata ko nang makita kung sino itong muntik ko nang masagasaan. "

