"Pagod na ako. Ayoko na. Mag-break na tayo." sabi ko kay Nikko. "Ha?" naka-kunot noong tanong ni Nikko. "Ayoko na, sabi ko! Ayoko na. Pagod na pagod na ako katatawa at katatakbo! Kita mo naman. Basang basa na 'yung suot kong damit. Sabi ko naman sayo, night swimming ang gusto ko, hindi twilight swimming! Mag-break na tayo, sabi ko. Gutom na gutom na ako, eh." reklamo ko sabay irap sa kanya. Naka-maong shorts at t-shirt kasi ako. Tapos siya, naka-sando at shorts lang din. Sabi ko kasi, mamaya nang gabi kami mag-swimming, eh. Mas masarap sa feeling 'yun. Napatingin naman ako kay Nikko na tahimik na naka-tayo sa harap ko at naka-simangot. "Bakit na naman?" tanong ko. Inirapan niya lang ako at nauna na siyang maglakad sa akin. "Problema nun?" bulong ko sa sarili ko. Tumayo na rin ako at h

